Rob Moya, umalma sa umano'y pambibintang sa kanya ng isang content creator

Rob Moya, umalma sa umano'y pambibintang sa kanya ng isang content creator

- Umalma si Rob Moya sa umano'y pangbibintang sa kanya ng isang content creator ng isang seryosong alegasyon

- Sa isang video ay sinabi ni Rob na ginagamit lamang siya para magkaroon ng content

- Sinabi niya rin na fake news ang mga akusasyon laban sa kanya at haharapin niya umano ang nag-aakusa sa kanya sa korte

- Kasalukuyan namang burado na ang kanyang ginawang video ngunit marami ang nakapag-save ng kopya ng naturang video

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Inalmahan ni Rob Moya ang umano'y akusasyon sa kanya ng isang content creator. Aniya, ginagamit lamang siya para sa content ng YouTuber na kanyang tinutukoy.

Rob Moya, umalma sa umano'y pambibintang sa kanya ng isang content creator
Rob Moya
Source: Facebook

Sa isang video na kasalukuyan ay burado na, sinabi ni Rob na hindi niya alam kung ano ang intensiyon nito. Sobrang lala umano ang alegasyon sa kanya. Hinding-hindi niya umano gagawin iyon sa buong buhay niya.

Read also

Cristy Fermin 'pag nanonood ng vlogs ni Angeline Quinto: "Para akong naaawa sa kanya"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ani Rob, puro parinig umano ito sa kanya ngunit pinalampas lamang niya. Sinabi niya rin na fake news ang mga akusasyon laban sa kanya at haharapin niya umano ang nag-aakusa sa kanya sa korte.

Lagi umanong dinidikit ng babaeng tinutukoy niya ang pangalan nito sa pangalan niya. Kasalukuyan namang burado na ang kanyang ginawang video ngunit marami ang nakapag-save ng kopya ng naturang video.

Si Rob Moya ay isang aktor at YouTube content creator na naging karelasyon ng YouTuber na si Toni Fowler. Nakilala siya sa YouTube bilang si Daddy Rob dahil marami ang humanga sa pagtayo nito bilang ama sa anak ni Toni na si Tyronia Fowler.

Matatandaang nagkaayos na sana sina Rob at Toni ngunit muli silang nagkasamaan ng loob nang magwala kamakailan si Rob sa isang bar nang lumabas sila para ipagdiwang ang kaarawan niya. Matapos ang kanilang gulo, sinubukan ni Rob na makipag-ayos sa pamamagitan ng pagpapadala ng bulaklak kay Toni. Gayunpaman, tinapon lang ito ni Toni dahil aniya ay hindi na siya magpapaloko.

Hinarap ni Toni si Rob nang puntahan niya ito sa condo. Muling naging malala ang sitwasyon nang magtanong si Rob kung pwede daw ba siyang manligaw uli kay Toni. Agad namang nag-walk out sina Toni nang lumuhod si Rob para sa kanyang proposal. Nang sinagot na ni Toni si Vince Flores ay minabuti niyang patawarin na si Rob.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel