Rob Moya, nag-propose kay Toni Fowler matapos ang gulo nila kamakailan

Rob Moya, nag-propose kay Toni Fowler matapos ang gulo nila kamakailan

- Matapos ang mahigit isang buwan mula nang maganap ang kaguluhan nina Toni Fowler at Rob Moya, muling sumubok si Rob na kausapin si Toni

- Aniya gusto lamang niyang humingi ng dispensa kay Toni at nais lamang niyang magkaayos sila umano

- Gayunpaman, nang kausapin na siya ni Toni ay nagpaalam na ito kung pwede ba daw siyang manligaw uli kay Toni

- Lumuhod pa ito at naglabas ng singsing ngunit bigla siyang iniwan ni Toni at inihagis ang singsing na dala ni Rob

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Muling naging usap-usapan ang muling pag-uusap nina Rob Moya at Toni Fowler. Ani Rob, gusto lamang niyang humingi ng dispensa kay Toni at nais lamang niyang magkaayos sila.

Rob Moya, nag-propose kay Toni Fowler matapos ang gulo nila kamakailan
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Para naman kay Toni ayaw na rin niya ng gulo at tila tinanggap na rin niya ang paghingi ng dispensa ni Rob. Gayunpaman, nang kausapin na siya ni Toni ay nagpaalam na ito kung pwede ba daw siyang manligaw uli kay Toni.

Read also

Regine Velasquez, naging 'taga abot' ng regalo kay VP Leni sa Pasay rally

Alam naman daw niyang wala pang boyfriend si Toni kaya nagbabakasakali siyang maging maayos pa ang kanilang naudlot na relasyon.

Lumuhod pa ito at naglabas ng singsing ngunit bigla siyang iniwan ni Toni at inihagis ang singsing na dala ni Rob. Naiwang nakaluhod at tulala si Rob na tila nabigla sa ginawa ni Toni.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinagsabihan ng kanyang kasamahan si Rob dahil wala naman sa kanilang plano umano ang sinabi niya at ang pagbibigay nitong singsing. Sinayang umano nito ang kanyang pagkakataon na makipag-ayos kay Toni.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Read also

Jolina Magdangal, pinasalamatan si VP Leni sa kanyang late birthday greeting

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel