Regine Velasquez, naging 'taga abot' ng regalo kay VP Leni sa Pasay rally

Regine Velasquez, naging 'taga abot' ng regalo kay VP Leni sa Pasay rally

- Nag-viral ang video clip ni Regine Velasquez na kuha sa birthday rally ni Vice President Leni Robredo sa Macapagal Avenue

- Makikitang nagmistulang naging tagaabot si Regine ng mga regalo ng supporters kay VP Leni

- Pabiro niyang sinabi kung may iba pa umanong iaabot sa kanila gayung tila sunod-sunod ang mga nagpapabigay sa entablado

- Tinulungan na rin siya ng kanyang mister na si Ogie Alcasid sa pagkuha ng ipabibigay sa noo'y may kaarawan na bise presidente

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kinagiliwan online ang naging reaksyon ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez nang magmistulang tagaabot na lamang siya ng mga regalong ipinaaabot para sa noo'y may kaarawan na si Vice President Leni Robredo.

Makulit na reaksyon ni Regine Velasquez sa pagpapaabot ng regalo kay VP Leni, viral
Regine Velasquez (Photo: VP Leni Robredo Facebook)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ang naturang video clip ay kuha sa People's rally ng 'Leni-Kiko tandem' at ng 'Tropang Angat' sa Macapagal Avenue, Pasay City noong Abril 23. Ito rin ang kaarawan ng nag-iisang babaeng presidential candidate.

Read also

Jolina Magdangal, pinasalamatan si VP Leni sa kanyang late birthday greeting

Sa video, unang nakita ang pagpapaabot ng isang Kakampink ng kanilang painting kay Regine para raw umano kay Vice President Leni Robredo.

Hindi pa man muling nakakapagsalita, mayroon na namang nagpapaabot ng isa pa at mas mabigat na painting para pa rin kay VP Leni.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Ipapabigay mo rin 'yan sa'kin? Pambihira! Naintindihan ko naman kayo... Ako'y dakilang tiga-abot," pabirong nasabi ng 'Asia's Songbird.

Hindi nagtagal ay sinamahan na rin siya ng kanyang mister na si Ogie Alcasid sa entablado at tinulungan na rin siyang kumuha ng ilan pang mga ipinabigay sa bise presidente.

Narito ang kabuuan ng maiksing video na ibinahagi rin ng The Comedia Channel:

Sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid ay ilan lamang sa mga celebrities na nagpahayag ng suporta kay Vice President Leni Robredo sa kandidatura nito sa pagka-pangulo sa darating na May 9 election.

Read also

VP Leni, ibinahagi ang listahan ng performers na mapapanood sa kanyang birthday rally

Bukod kina Regine at Ogie, isang malaking surpresa rin sa Pasay campaign rally ng mga Kakampink ay ang presensya ni Vice Ganda na hayagang itinaas ang kamay bilang pag-endorso kay VP Leni.

Dumalo rin ang nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano, Gary Valenciano at marami pang iba na nagbigay saya sa pagtitipon lalo na ang pagpapakita ng boluntaryong suporta sa bise presidente.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel