Jolina Magdangal, pinasalamatan si VP Leni sa kanyang madamdaming birthday greeting

Jolina Magdangal, pinasalamatan si VP Leni sa kanyang madamdaming birthday greeting

- Huli ng isang araw sa mismong kaarawan ni Vice President Leni Robredo ang greeting sa kanya ni Joline Magdangal

- Inalala pa niya ang unang pagkikita at pagkakakilala nila ni VP Leni Robredo

- Aniya, huli man ang kanyang greeting, tiyak na hindi naman ito makakalimutan

- Isa lamang si Jolina at ang kanyang asawa na si Mark Escueta sa mga kilalang personalidad na nagpahaya ng suporta kay VP Leni

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nahuli ng isang araw si Jolina Magdangal para sa birthday greeting niya kay Vice President Leni Robredo.

Jolina Magdangal, pinasalamatan si VP Leni sa kanyang madamdaming birthday greeting
Photo: Jolina Magdangal, Mark Escueta and Vice President Leni Robredo
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na tila inalala pa ni Jolina ang unang pagkikita at pagkakilala nila ng bise presidente noong 2016.

"Ang ating first meet and picture together ay noong January 2016. Mula nun humanga na po kami ni Mark sa inyo. At lalong pinapatibay ang paniniwala namin tuwing nakikita namin ang lahat lahat ng nagagawa nyo"

Read also

Donita Nose, ibinahagi ang larawan nila ni Super Tekla na magkasama muli

Inamin ni Jolina na dahil sa pandemya, tila nawalan umano sila ng ganang manatili sa bansa ngunit nakakita umano ng pag-asa dahil kay Robredo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Aaminin ko po na nagkaroon ng time nitong nakaraang mga taon na napanghihinaan na po kami ng loob ng asawa ko dito sa bansa natin para sa future ng mga anak namin, napaisip na po kami mag ibang bansa. Pero dahil po sa inyo lalo na sa pag-asang ibibigay nyo sa bansa, muling nabuhay ang puso namin na ipagmalaki sa aming mga anak na hindi pa huli ang lahat."

Isa umano ito kung bakit sila ng kanyang asawa na si Mark Escueta ay patuloy na sumasama sa mga campaign rally ng 'Leni-Kiko tandem' at Tropang Angat.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Read also

Pau Fajardo, aminadong kailangan pa ng oras para makapagpatawad

Isa ang aktres, singer at TV host na si Jolina Magdangal sa mga naunang nagpahayag ng pagsuporta nila sa grupo ni VP Leni.

Nito lamang Abril 23, ginulat ng marami ang pagpanhik umano sa entablado ng People's rally ang ilan pa sa mga kilalang personalidad sa bansa.

Ilan sa mga ito ay sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez, Gary Valenciano at maging si Maricel Soriano.

Ikinagulat din ng marami ang pagtatanghal ni Vice Ganda na nagpahayag pa ng opisyal na pag-endorso kay VP Leni.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel