Donita Nose, ibinahagi ang larawan nila ni Super Tekla na magkasama muli

Donita Nose, ibinahagi ang larawan nila ni Super Tekla na magkasama muli

- Ibinahagi ni Donita Nose ang larawan nila ni Super Tekla na magkasama muli

- Ayon sa post, kuha umano ito sa NAIA Terminal 3 at tila magkasama ang dalawa paalis ng bansa

- Sa kanilang Social Media page na 'Donekla in Tandem,' tila nagpaparamdam ang dalawa ng muling pagsasama

- Lalo na at ang caption ng mga larawan ay "Paano kaya kami makakabawi"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Usap-usapan ngayon sa social media ang larawan nina Donita Nose at Super Tekla na magkasamang muli.

Donita Nose, ibinahagi ang larawan nila ni Super Tekla na magkasama muli
Donita Nose, ibinahagi ang larawan nila ni Super Tekla na magkasama muli
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na si Donita Nose ang nagbahagi ng kanilang picture ni Tekla na may caption na "Panu kaya kami makakabawi?"

Mapapansin din ang tag location na NAIA Terminal 2 International Departures kaya naman umaasa ang marami na magkakasama muli ang dalawang mahusay na komedyante sa isang proyekto.

Read also

Jolina Magdangal, pinasalamatan si VP Leni sa kanyang late birthday greeting

Sa kanilang Facebook page na 'Donekla in Tandem,' makikitang tila nagpaparamdam na ang admin ng kanilang page sa muling pagsasama ng dalawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"WHEN KAYA? miss na namin kayo... Comment down below mga katandem na sana magsama na ulit sila sa vlog"

Narito ang kabuuan ng post:

Ang 'Donekla in Tandem' ay binubuo ng mga komedyanteng sina Donita Nose at Super Tekla. Matatandaang nagkasama ang dalawa sa programang 'Wowowin' ni Willie Revillame kung saan pumatok ang kanilang pagpapatawa.

Kasalukuyan na silang mayroong 3.2 million subscribers sa kanilang YouTube channel kung saan marami silang mga napapatawa, napapaiyak at nai-inspire din sa mga video na kanilang naibabahagi linggo-linggo noon.

Subalit noong January 30, inakala ng lahat na prank lamang ang post nina Tekla at Donita sa kanilang social media kung saan una nilang inanunsyong hiwalay na ang kanilang tandem.

Read also

Pau Fajardo, aminadong kailangan pa ng oras para makapagpatawad

Sa kanilang live at huling upload sa kanilang YouTube channel, unang nagsalita si Donita patungkol sa nangyayari sa kanila ni Tekla na aminado siyang hindi na niya kinakaya.

Aniya, wala umano sa kanya ang problema gayung ibinigay niya ang lahat sa kanilang channel subalit si Tekla umano ang wala sa focus sa kanilang ginagawa.

Maging si Tekla ay napagod na umano sa nangyayari sa kanila ni Donita. Aniya, magulo raw talaga ang kanyang isip na sinegundahan naman ni Donita kaya umano hindi nakaka-focus ang kanya sanang ka-tandem.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel