Basketball Icons ng Pinas, nagpahayag ng suporta kandidatura ni Leni Robredo
- Nagpahayag ng suporta kay VP Leni Robredo sa pagka-presidente ang ilan sa kilalang basketball icons sa bansa
- Mula sa coach at players, inihayag nila ang pagbibigay ng kanilang boto para kay Robredo sa darating na eleksyon
- Ayon sa kanila, magkakaiba man ang kinabibilangang team sa basketball, nagkakaisa umano sila sa bansa
- Ilan lamang sila sa mga kilalang personalidad na umano'y boluntaryong ini-endorso si Robredo
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Maging ang mga basketball icons sa Pilipinas ay nagpakita ng suporta sa kandidatura ng pagka-pangulo ni Vice President Leni Robredo.
Nalaman ng KAMI na nagpahayag ng kanilang suporta kay VP Leni ang mga PBA legends na sina Olsen Racela, Johnny Abarrientos at Jojo Lastimosa gayundin ang maging si Coach Yeng Guiao.
Sa kanilang maiksing video inihayag nilang si VP Leni ang kanilang iboboto sa darating na Halalan sa Mayo 9.
Ayon sa kanila, maaring iba't ibang team ang kinabibilangan nila sa basketball subalit nagkakaisa naman umano sila para sa ating bansa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Sa basketball, hindi pwedeng aabsent-absent kapag may training o may laban. Dapat laging present. Show up in the most difficult time," ani Olsen Racela.
"At sa basketball, hindi pwedeng sumuko, laban lang ng laban kahit pinipilit kang i-foul out ng kalaban," ayon naman kay Johnny Abarrientos.
"Lider na laging nandiyan, hindi nagpapatibag sa anumang fake news ang ibato sa kanya," ani Coach Yeng Guiao.
"Husay at tibay ng pagiging lider, hindi nasusukat sa kasarian kundi sa kanyang napatunayan at track record," ayon muli kay Racela.
Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa Angat Bihay ang Lahat Facebook page:
Si Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.
Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.
Kamakailan, matapang na sinagot ng bise presidente ang kabi-kabilang paninira umano sa kanya maging sa kanyang pamilya. Aniya, hindi na siya nagugulat sa mga ganitong pangyayari na dinanas na rin nila noong Eleksyon 2016.
Samantala, ibinahagi niya kamakailan ang pagha-house to house campaign niya sa Naga matapos na bumisita sa burol ng kanyang umanong kaibigan. Aniya, tila na miss niya ang ganoong klaseng pagkampanya kung saan naririnig ang mga hinaing ng ating mga kababayan.
Sunod-sunod na ang mga campaign rally sa iba't ibang bahagi ng bansa at sa bawat pagtitipon, taos-pusong pinasasalamatan ni VP Leni ang mga boluntaryong nakikiisa at sumusuporta sa kanya.
Source: KAMI.com.gh