VP Leni Robredo sa kabi-kabilang online attacks sa kanyang pamilya; "Hindi ako nagugulat"

VP Leni Robredo sa kabi-kabilang online attacks sa kanyang pamilya; "Hindi ako nagugulat"

- Nakakuha ang ilang miyembro ng media ng pahayag ni Vice Presidente Leni Robredo kaugnay sa sunod-sunod na online attacks sa kanyang pamilya

- Isa na rito ay ang kumakalat na malisyong video na pinalalabas na isa ang mga anak ng VP na si Aika ang naroon

- Hindi umano nagulat ang bise presidente sa mga ganitong taktika sa pulitika lalo na at wala namang katotohanan ang mga 'fake news' patungkol sa kanya

- Taong 2016, nang tumatakbo pa lamang siya sa pagka-bise presidente ay nakararanas na siya ng ganitong klase ng kasinungalingan laban sa kanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakapagbigay ng pahayag si Bise Presidente Leni Robredo kaugnay sa kabi-kabilang online attacks hindi lamang sa kanya kundi maging sa kanya na ring pamilya.

VP Leni Robredo sa kabi-kabilang online attacks sa kanyang pamilya; "Hindi ako nagugulat"
VP Leni Robredo kasama ang kanyang mga anak na sina Jillian, Tricia at Aika (Photo: Leni Gerona Robredo)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na kamakailan lamang ay may mga kumakalat 'di umano na malisyosong video na sinasabing ang panganay ni VP Leni na si Aika ang naroon.

Read also

Bianca Gonzales, matapang na sinabihan ang umano'y naninira sa Pamilya Robredo

Nagbigay na ng opisyal na pahayag ang abogado ng pamilya at pananagutin ang sinumang nagpapakalat ng 'fake news' na ito.

Sa campaign rally sa La Union ngayong Abril 12, nagpaunlak ng maiksing panayam ang bise presidente sa miyembro ng media na naroon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sinagot niya ang pagharap umano ng pamilya niya sa mga ganitong klaseng taktika sa pulitika na hindi na raw pala bago sa kanya. Taong 2016 sa kanyang kandidatura sa pagka-bise presidente ay naranasan na niya na umano'y batuhin ng mga kasinungalingan.

"Hindi ako nababawasan noon kasi lahat hindi totoo. Ang tingin ko ang nababawasan noon ay 'yung mga napapapaniwala niya sa kanya,"

Nabanggit din niya na kasalukuyan nang kumikilos ang mga 'Lawyers for Leni' kaugnay sa isyu.

"'Yung mga lawyers will take legal actions. Pero ako, kami ng mga bata, we refuse to be deterred by mga gawa-gawa na ganyan,"

Read also

Kampo ni VP Leni , umalma sa umano'y malisyosong video laban sa kanilang pamilya

"At dahil dati ako lang 'yung focus ng lahat, Pero ngayon na gumagalaw din 'yung mga anak ko para tulungan ako pati sila biktima na,"
"Kung paano sila lumaban ngayon, ganoon din 'pag nakaupo na sila... Puno ng kasinungalingan, puno ng dumihan"

Narito ang kabuuan ng pahayag ni presidential candidate Leni Robredo mula sa Rappler:

Si Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.

Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica