Sen. Kiko Pangilinan, naluha nang i-surpresa ng mga farmers ng Pampanga
- Hindi napigilang maluha ni Sen. Kiko Pangilinan nang makitang pinuntahan siya ng mga farmers ng Pampanga
- Matapos ang kanyang mensahe sa mga Cabalen sa kanilang campaign rally, pinapanhik ni Sharon Cuneta sa entablado ang mga magsasaka
- Isa sa naroon ang naikwento ni Sen. Kiko na sa kabila ng edad ay pinili pa rin na magsaka
- Ang mga magsasakang ito ang nagtaas ng kamay ni Senator Kiko na patuloy parin sa pagluha
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Naging emosyonal si Senator Kiko Pangilinan nang makita niya sa entablado ang mga magsasaka ng San Nicolas, Pampanga.
Nalaman ng KAMI na ang mga magsasakang ito ay nagtungo ng San Fernando upang magbigay suporta sa campaign rally ng 'Leni-Kiko tandem.'
Matapos ang pagbibigay mensahe ni Sen. Kiko na tumatakbo bilang bise presidente, biglang sinabi ng kanyang misis na si Megastar Sharon Cuneta na mayroong mga bisita si Sen. Kiko.
Nais daw ng mga ito na sila sana ang magtaas ng kamay ng senador bilang pagsuporta nito sa kanayang kandidatura.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nagkataong isa sa mga magsasaka ay si Tatang Beng na nabanggit pa ni Sen. Kiko sa kanyang mensahe. Siya ang nabanggit na farmer ni Sen. Kiko na sa kabila ng edad ay pinili pa rin ang magsaka.
"Ito po si Tatang Meg... Siya po yung ipinaglalaban namin ni VP Leni para mai-angat ang buhay niya, nilang magsasaka at mangingisda," naluluha pa ring nasabi ng senador.
Makikita naman ang kanyang misis na si Sharon Cuneta na patuloy din sa pagluha sa madamdaming tagpo nina Sen. Kiko at ng mga magsasakang natulungan niya.
Mapapanood ang "PAMPANGA, yápin-9-ni!" campaign rally sa Kiko Pangilinan YouTube channel :
Si Senator Francis 'Kiko' Pangilinan ang running mate ni Vice President Leni Robredo. Siya ang asawa ng nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta.
Tinatayang nasa 220,000 ang mga dumalo sa naturang Pampanga campaign rally ng kanilang tandem kasama ang mga senatoriables ng 'Tropang Angat.'
Sinasabing ito na ang pinakamataas na bilang ng mga nagsidalo sa pagtitipon ng mga 'Kakampink' at naungusan na ang bilang ng 'PasigLaban' noong Marso 20 kung saan 137,000 ang kabuuang bilang ng mga nagtungo sa Emerald Ave.
Source: KAMI.com.gh