Sharon Cuneta, naluha sa madamdaming tagpo nina Sen. Kiko at Pampanga farmers

Sharon Cuneta, naluha sa madamdaming tagpo nina Sen. Kiko at Pampanga farmers

- Naluha si Megastar Sharon Cuneta sa madamdaming tagpo ng kanyang mister na si Senator Kiko Pangilinan at ng Pampanga farmers

- Si Sharon din ang nagpakilala sa mga panauhin sa pagpanhik ng mga ito sa entablado

- At nang itaas na nga ang kamay ni Sen. Kiko ng mga San Nicolas farmers, napatayo at lalong naluha ang Megastar

- Maging si Senator Kiko Pangilinan ay hindi napigilang maiyak nang makita ang mga magsasakang nagtungo sa kanilang campaign rally

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi rin napigilang maging emosyonal ni Megastar Sharon Cuneta matapos na ipakilala niya ang mga magsasakang sumusuporta sa kanyang mister na si Senator Kiko Pangilinan.

Sharon Cuneta, naluha sa madamdaming tagpo nina Sen. Kiko at Pampanga farmers
Sharon Cuneta, naluha sa madamdaming tagpo nina Sen. Kiko at Pampanga farmers (Photo: Kiko Pangilinan YouTube channel)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ang mga magsasakang ito ay mula San Nicolas Pampanga na nagtungo sa campaign rally sa San Fernando.

Kiko, merong mga nagmamahal sa'yo na gustong, sana'y pagbigyan mo na gustong lumapit sa'yo. at sila daw ang may gustong magtaas ng iyong mga kamay. Ito po mga Cabalen, ang ilan sa mga nakilala at minamahal ni Kiko ang farmers from San Nicolas, Pampanga. Tuloy po kayo

Read also

Sen. Kiko Pangilinan, naluha nang i-surpresa ng mga farmers ng Pampanga

Matapos ang pagpapakilalang ito ng Megastar sa mga magsasaka, makikitang hindi na halos tumigil ang pagluha niya gayundin ng kanyang mister na si Sen. Kiko lalo na nang mayakap at mapasalamatan niya ang isa sa mga may edad nang magsasakang nabanggit niya sa kanyang mensahe bago ang madamdaming tagpong ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Ito po si Tatang Meg, taga San Simon po. Siya po yung nabanggit ko kanina. Siya po ang ipinaglalaban namin ni Vice President Leni para maiangat ang buhay nila, niya at ng ating mga magsasaka at mangingisda," ani Senator Kiko.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Kiko Pangilinan YouTube channel:

Si Senator Francis 'Kiko' Pangilinan ang running mate ni Vice President Leni Robredo. Siya ang asawa ng nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta.

Tinatayang nasa 220,000 ang mga dumalo sa naturang Pampanga campaign rally ng kanilang tandem kasama ang mga senatoriables ng 'Tropang Angat.'

Sinasabing ito na ang pinakamataas na bilang ng mga nagsidalo sa pagtitipon ng mga 'Kakampink' at naungusan na ang bilang ng 'PasigLaban' noong Marso 20 kung saan 137,000 ang kabuuang bilang ng mga nagtungo sa Emerald Ave.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel