Sharon Cuneta, natuwa ng abutan ng KPop merch sa Pampanga campaign rally

Sharon Cuneta, natuwa ng abutan ng KPop merch sa Pampanga campaign rally

- Natuwa si Megastar Sharon Cuneta nang abutan ng KPop merch ng isang fan

- Naganap ito sa 'Leni-Kiko' campaign rally sa Pampanga, Abril 9

- Ito ay matapos na tawagin ni Sharon ang mga 'Millennials' na sinundan ng iba't ibang KPop fan groups

- Matatandaang minsan nang inihayag ng Megastar na isa siyang KPop fan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Natuwa si Sharon Cuneta nang bigla siyang abutan ng KPop merch ng kapwa niya fan sa campaign rally ng 'Leni-Kiko tandem' sa Pampanga nitong Abril 9.

Sharon Cuneta, natuwa ng abutan ng KPop merch sa Pampanga campaign rally
Sharon Cuneta, natuwa ng abutan ng KPop merch sa Pampanga campaign rally (Photo: Kiko Pangilinan YouTube channel)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na matapos na tawagin ang mga millennials, inisa-isang tawagin ng Megastar ang iba't ibang fanbase ng mga Korean Pop groups.

Maya-maya, napatigil si Sharon nang abutan siya ng merch ng kapwa ni fan.

Agad niyang nakilala ang nasa merch at nag-sample pa ng awitin nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pagpunta niya sa kabilang bahagi ng stage, muling may nag-abot sa kanya kaya naman tuwang-tuwa si Sharon na nakaka-relate sa crown dahil sa mga iniidolong grupo.

"TWICE? Twice din. Thank you so much!" at muling nag-sample ng awitin ng nasabing grupo.

Narito ang kabuuan ng video ng pagbibigay saya ni Sharon sa Pampanga campaign rally ng kanyang mister na si Senator Kiko Pangilinan na tumatakbo sa pagka-bise presidente ng Pilipinas:

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isa sa mga respetadong Filipina actress, singer, TV host at endorser. Tinagurian siyang "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na career sa showbiz. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan na kasalukuyang running mate ni Vice President Leni Robredo.

Kamakailan, gumawa ng ingay si Sharon dahil sa umano'y naging komento niya sa paggamit ni Senatorial aspirant Salvador Panelo ng kanyang awitin.

Subalit hindi nagtagal, humingi na rin ng dispensa si Sharon sa kanyang nai-post.

Nakaramdam umano siya ng pagka-insulto dahil tila minamaliit umano ang kanyang asawa at ang pagtakbo niya bilang bise presidente ng bansa.

"Truth is, I felt slighted. Sa akin, parang minamaliit si Kiko at ang pagtakbo niya ng VP. Dahil sa dinami-dami ng kanta, bakit naman kanta ko pa ang napili? Dahil kaya Goliath ang VP candidate niya sa David kong asawa? Nasaktan ako," aniya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel