Madam Inutz, nagbalik sa PBB House; naikwento pagpapadagdag ng kanyang 'Jolakang'

Madam Inutz, nagbalik sa PBB House; naikwento pagpapadagdag ng kanyang 'Jolakang'

- Isa si Madam Inutz sa mga nabigyan ng pagkakataon na makabalik sa 'Pinoy Big Brother' house

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Masaya naman silang na welcome ni Kuya at kinumusta pa talaga sila nito

- Doon naikwento ni Madam Inutz ang tungkol sa kanyang pagpapatanggal ng taba at pagpapadagdag naman ng 'Jolakang."

- Maging si Big Brother ay nagtaka sa kung ano pinaayos na Jolakang na ang ibig sabihin ay balakang

Isa si Madam Inutz sa mga nabigyan ng pagkakataon na manumbalik sa Pinoy Big Brother House, ilang buwan matapos ang celebrity edition na kanyang kinabibilangan.

Madam Inutz, nagbalik sa PBB House; naikwento pagpapadagdag ng kanyang 'Jolakang'
Madam Inutz, nagbalik sa PBB House; naikwento pagpapadagdag ng kanyang 'Jolakang' (Photo: Pinoy BIg Brother)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nalaman ng KAMI na nag-welcome naman si Big Brother sa kanya maging ang nakasama niya sa confession room na si Brenda Mage.

Read also

Brenda Mage sa pagbabalik sa bahay ni Kuya: "Nung una hindi ko po gustong bumalik"

Doon naikwento ni Madam Inutz ang mga kaganapan sa kanyang buhay nang makalabas siya ng PBB house.

"Sa ngayon, happy ako kuya. Happy. Blessed, kasi pagkalabas na pagkalabas ng bahay niya, marami offers sa'kin tapos nakasama pa ako sitcom na My Papa PI"

"Nagpatanggal ako ng taba ko. Tapos nagpalagay ako ng 'Jolakang'," na agad namang tinanong ni 'kuya' kung ano ang salitang iyon na ang tinutukoy pala ay balakang.

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang kakaiba at nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling. Sa kabila nito tumatabo ng mahigit 150,000 ang mga viewers niya kaya naman mabilis siyang nakilala online.

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento kanyang pagsisikap.

Naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 celebrity edition kung saan pasok siya sa Final 5.

Read also

Pokwang, binahagi ang tungkol sa pagkikita nila ni Andrew E.

Nang makalabas sa bahay ni Kuya, agad niyang hinarap ang mga proyektong inihanda sa kanya ng manager na si Wilbert Tolentino.

Kabi-kabilang mga guestings at interviews ang kanyang pinaunlakan at patuloy pa rin ang kanyang pagiging online raketera dahil sa mga bagong produkto na kanilang nai-launch kamakailan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel