Brenda Mage sa pagbabalik sa bahay ni Kuya: "Nung una hindi ko po gustong bumalik"

Brenda Mage sa pagbabalik sa bahay ni Kuya: "Nung una hindi ko po gustong bumalik"

- Nakipagkwentuhan si Big Brother kina Brenda Mage sa pagbabalik nito sa bahay

- Inamin ni Brenda na nagdadalawang-isip siya noong una na bumalik pa sa Bahay ni Kuya

- Ito ay sa pangambang ma-bash muli siya dahil lamang sa kanyang pagpapakatotoo

- Dahil umano sa tila trauma sa mga bashers, pinili niyang mamahinga sa Showbiz at ituon ang oras sa pagpapagawa ng bahay inspired sa Big Brother house

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aminado si Brenda Mage nagdalawang-isip siyang bumalik pa sa Bahay ni Kuya.

Brenda Mage sa pagbabalik sa bahay ni Kuya: "'Nung una hindi ko po gustong bumalik"
Brenda Mage (Photo: Pinoy Big Brother)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa sa Brenda sa nagbigyang pagkakataong ngayong makabalik sa Bahay ni Kuya kasama ng iba pang housemates ng adult at teen edition.

Sa pagbabalik bahay ni Brenda agad silang pinagkuwento ni Big Brother sa confession room kung saan kasama naman niya si Madam Inutz.

Una niyang nabanggit ang paghihiwalay nila ng dating kinakasama ngunit ngayo'y nasa probinsiya siya para sa recording.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Nagpapagawa po ako ng mini big brother house... Inspired by PBBhouse."

"Nasaktan ako... Nung una ayaw ko na sanang bumalik pero na-accept ko sa sarili ko, mas pinili ko pong tingnan 'yung positibong bagay

"Natatakot ako, na ma-bash ako o mapagsabihan ako 'bumalik ka pa talaga."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates.

Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

Naging kontrobersyal ang pagiging housemate niya roon dahil sa mga isyung kinasangkutan niya tulad ng closeness niya kay Eian Rances at ang umano'y mga nasasabi niya sa likod ni Alexa Ilacad.

Dahil din sa mga pangyayaring ito, nabansagan siyang Marites sa bahay ni Kuya kasama ang isa pang housemate na malapit sa kanya na si Madam Inutz. Gayunpaman, naayos naman nila ang lahat ng ito nang makalabas sila ng bahay ni Kuya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel