Herlene 'Hipon' Budol, masayang mapupunta na diretso sa kanya ang sahod sa YouTube

Herlene 'Hipon' Budol, masayang mapupunta na diretso sa kanya ang sahod sa YouTube

- Masayang ibinahagi ni Herlene 'Hipon' Budol ang tungkol sa magandang balita tungkol sa kanyang sahod sa kanyang YouTube account

- Aniya, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon siya ng Dollar account at diretso na sa kanya ang sahod niya sa YouTube

- Ibinunyag niya rin na sa dami ng subscribers at views niya ay wala siyang nakukuha ni singkong duling simula nang mag-umpisa siya sa YouTube

- Pinasalamatan niya ang kanyang bagong manager na si Wilbert Tolentino sa paggabay nito at pagtulong sa kanya nang walang kapalit

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi maitago ni Herlene 'Hipon' Budol ang kanyang kasiyahan na sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon siya ng Dollar account at diretso na sa kanya ang sahod niya sa YouTube. Ibinunyag niya rin na sa dami ng subscribers at views niya ay wala siyang nakukuha ni singkong duling simula nang mag-umpisa siya sa YouTube.

Read also

Carlo Aquino, nagbahagi ng isang madamdaming song cover

Herlene 'Hipon' Budol, masayang mapupunta na diretso sa kanya ang sahod sa YouTube
Herlene 'Hipon' Budol (@herelene_budol)
Source: Instagram
Sobra akong Happy kasi 1st time ako mag ka Dollar Account at sa akin na direkta mapunta ang sahod ko sa YOUTUBE simula ngayon! Marami akala mayaman na ako dahil maraming views at daming subs ang hipon girl nyo. pero ang totoo wala ako nakukuha ni singkong duling mula nag simula ang channel ko. nakakalungkot lang icipin kasi kht kani kanino ako nag tiwala at binigay ko mga password para maka access sila tapos kinahoy lang ang sahod ko

Pinasalamatan niya ang kanyang bagong manager na si Wilbert Tolentino sa paggabay nito at pagtulong sa kanya nang walang kapalit.

Kaya answered prayer dumating ang bago kong manager @sirwil75 at inaayos lahat ng kailangan ayusin na walang kapalit. Salamat mima sa pag gabay sa akin at nag cocomfort lagi sa akin ate @daisyinutz. God bless sa atin at lagi ko kayo kasama sa prayers ko.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

OFW, ibinahagi ang nakakaantig pusong video ng paghabol sa kanya ng kanyang alaga

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera.

Naging laman ng mga balita ang kontrobersiyal na sagutan nila ng Miss Universe Manila na si Alexandra Abdon sa Wowowin. Gayunpaman, nagkaayos silang dalawa at nagkapatawaran na.

Matatandaang matapos niyang makapanayam ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube show na ToniTalks, dumami ang gustong tumulong sa kanya. Pinagshopping din siya ni Alex Gonzaga ng mamahaling bag at sapatos.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel