Carlo Aquino, nagbahagi ng isang madamdaming song cover

Carlo Aquino, nagbahagi ng isang madamdaming song cover

- Isang song cover ang ibinahagi ni Carlo Aquino sa kanyang TikTok account sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan

- Tila damang-dama nito ang mensahe ng kanyang kinakanta na sinasabayan pa ng pag-gigitara

- Hindi parin nakatakas si Carlo sa mga netizens na nagkomento tungkol sa napapabalitang paghihiwalay nila ni Trina Candaza

- Wala pa ring pormal na pahayag ang dalawa kaugnay sa lumabas na balita ngunit lalong pinag-usapan ito matapos ang mga cryptic post ni Trina

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isang song cover ang ibinahagi ni Carlo Aquino sa kanyang TikTok account sa gitna ng lumabas na balitang naghiwalay na sila ni Trina Candaza. Wala namang pagtanggi mula sa kampo ng aktor kaugnay sa balita.

Carlo Aquino, nagbahagi ng isang madamdaming song cover
Carlo Aquino at Trina Candaza (@trinacandaza)
Source: Instagram

Tila damang-dama nito ang mensahe ng kanyang kinakanta na sinasabayan pa ng pag-gigitara. Kinanta niya ang awiting Paraluman. Hindi parin nakatakas si Carlo sa mga netizens na nagkomento tungkol sa napapabalitang paghihiwalay nila ni Trina.

Read also

Jackie Lou Blanco, inaming bukas sa posibilidad ng pakikipagbalikan kay Ricky Davao

Wala pa ring pormal na pahayag ang dalawa kaugnay sa lumabas na balita ngunit lalong pinag-usapan ito matapos ang mga cryptic post ni Trina kamakailan. Marami din ang nakapansin sa bagong vlog ni Trina kung saan pinakita niya ang kanilang "new home." Tanging ang anak nila ni Carlo ang kasama niya sa naturang vlog.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Imbes na sagutin ang tanong isang netizen kung naghiwalay na sila, ni-like lamang ni Trina ang komento nito.

Si Carlo Aquino o Carlo Jose Liwanag Aquino sa totoong buhay ay pumasok sa mundo ng showbiz noong siya bata pa lamang. Nakitaan siya ng husay sa pag-arte sa murang edad at nakatanggap ng ilang acting awards. Isa sa pinakasikat na pelikulang kanyang ginawa noong siya ay bata pa lamang ay ang pelikulang “Bata, Bata... Paano ka Ginawa?”

Read also

IG post ni Carlo Aquino, pinutakti ng komento sa gitna ng isyung kinasangkutan niya

Matapos ang muling tambalan nila ng kanyang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban, napabalita ang tungkol sa namuong pagtitinginan nila ni Trina Candaza hanggang sa tuluyan na nilang inamin ang kanilang relasyon. Ibinahagi din nila sa publiko ang tungkol sa pagbubuntis ni Trina noon.

Samantala, matapos ang pagsikat ng Korean series na Squid Game, ibinahagi ni Carlo na kabilang sana siya sa cast ng naturang serye. Ibinahagi niya ang natanggap na sorpresa mula sa Netflix kasunod ng kanyang rebelasyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel