IG post ni Carlo Aquino, pinutakti ng komento sa gitna ng isyung kinasangkutan niya

IG post ni Carlo Aquino, pinutakti ng komento sa gitna ng isyung kinasangkutan niya

- Sa kanyang pinakahuling Instagram post, ibinahagi ni Carlo Aquino ang kanyang picture na may hawak na isang tasang kape

- Matapos lumabas ang bali-balitang nagkakaproblema sila ni Trina Candaza, marami sa mga netizens ang napakomento sa kanyang post

- Lalong naging maugong ang usap-usapang hiwalay na sila dahil sa makahulugang post ni Trina at paglipat nila ng anak niya sa condo

- Wala namang inilalabas na pormal na pahayag ang dalawang panig kaugnay sa lumabas na balita

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pinutakti ng mga komento ng netizens ang pinakahuling Instagram post na ibinahagi ni Carlo Aquino kung saan ibinahagi niya ang kanyang picture na may hawak na isang tasang kape. Ilang araw na ang nakalipas mula nang ipinost niya iyon ngunit maraming bagong komento ang mababasa sa comment section kaugnay sa lumabas na balitang hiwalay na sila ni Trina.

Read also

70-anyos na tindero ng itlog, naloko na ng customer; natangayan pa ng Php10,000

IG post ni Carlo Aquino, pinutakti ng komento sa gitna ng isyung kinasangkutan niya
Carlo Aquino at Trina Candaza (@trinacandaza)
Source: Instagram

Lalong naging maugong ang usap-usapang hiwalay na sila dahil sa makahulugang post ni Trina at paglipat nila ng anak niya sa condo. Wala namang inilalabas na pormal na pahayag ang dalawang panig kaugnay sa lumabas na balita.

Bukod sa mga negatibong komento, meron namang nagtanggol sa kanya at nagsabing sana ay huwag husgahan kaagad ang aktor:

Wag muna po tayo maghuhusga hanggat di natin alam Ang cause Ng break up. There two sides of the story at and there are two persons in a relationship. Sure ka ba na kasalanan ni Carlo? Ang nadinig pa lang natin Kay Trina. Wala naman nabanggit si Trina na pambababae Ang cause Ng break up. Ang sinabi nya lang pumunta sa ibang babae nung hiwalay na sila. Iwasan po natin naghusga Hindi po nakakabuti sa pagkataobnatin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Manny Pacquiao, naluha sa interview sa kanya ni Boy Abunda

Daming Judgemental as if nmn naksama niu ung dlawa sa bahay un bng alam niu nangyyri sa buhay nila mag asawa ng 2/7 ,porke nagpost c gurl eh huhusgahan agad c boi. @jose_liwanag i think need mo explain side mo kung gnto panghhusga gingwa ng tao sau .unfair sa side mo.

Si Carlo Aquino o Carlo Jose Liwanag Aquino sa totoong buhay ay pumasok sa mundo ng showbiz noong siya bata pa lamang. Nakitaan siya ng husay sa pag-arte sa murang edad at nakatanggap ng ilang acting awards. Isa sa pinakasikat na pelikulang kanyang ginawa noong siya ay bata pa lamang ay ang pelikulang “Bata, Bata... Paano ka Ginawa?”

Matapos ang muling tambalan nila ng kanyang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban, napabalita ang tungkol sa namuong pagtitinginan nila ni Trina Candaza hanggang sa tuluyan na nilang inamin ang kanilang relasyon. Ibinahagi din nila sa publiko ang tungkol sa pagbubuntis ni Trina noon.

Samantala, matapos ang pagsikat ng Korean series na Squid Game, ibinahagi ni Carlo na kabilang sana siya sa cast ng naturang serye. Ibinahagi niya ang natanggap na sorpresa mula sa Netflix kasunod ng kanyang rebelasyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel