Jackie Lou Blanco, inaming bukas sa posibilidad ng pakikipagbalikan kay Ricky Davao

Jackie Lou Blanco, inaming bukas sa posibilidad ng pakikipagbalikan kay Ricky Davao

- Sa isang panayam kay Jackie Lou Blanco, inamin niyang sumagi sa isipan niya ang posibilidad ng pakikipagbalikan sa asawang si Ricky Davao

- Aniya, kung talagang kagustuhan iyon ng Panginoon, dasal niya na huwag naman umabot sa edad na otsenta na sila

- Ibinahagi niya rin ang ilang eksena sa kanilang lock in taping kung saan magkasama sila ng dating asawa

- Kwento niya, ang kanilang mga anak ang kinikilig sa muling pagsasama nila sa naturang serye sa GMA-7

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi ikinaila ni Jacky Lou Blanco na bukas siya sa posibilidad ng pakikipagbalikan sa mister niya at ama ng kanyang mga anak. Sa panayam sa kanya ng Pikapika Showbiz, sinabi niyang kung iyon ang plano ng Panginoon, sana daw ay huwag naman umabot na matanda na sila.

Jackie Lou Blanco, inaming bukas sa posibilidad ng pakikipagbalikan kay Ricky Davao
Jackie Lou Blanco (@jackielou.blanco)
Source: Instagram

Ibinahagi niya rin ang ilang eksena sa kanilang lock in taping kung saan magkasama sila ng dating asawa. Kwento niya, ang kanilang mga anak ang kinikilig sa muling pagsasama nila sa naturang serye sa GMA-7.

Kwento ni Jacky Lou, may pagkakataong nagkakatagpo sila ni Ricky kapag walang taping. Parehas din umano silang nagrereport sa mga anak nila tungkol sa pagkikita nila at tuwang-tuwa umano ang mga anak nila. Parehas din silang nagpadala ng picture ng isa't-isa sa kanilang mga anak.

Panuorin ang kabuuan ng panayam dito:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jackie Lou Blanco o Jacqueline Lourdes Blanco-Davao ay isang Pinay actress at aerobic instructor. Ilan sa mga pelikulang kanyang ginawa ay Hihintayin Kita sa Langit, (1991), Si Aida, Si Lorna, o Si Fe, (1989) Misis mo, Misis ko, (1988) and Palabra de honor (1983).

Anak siya ng sikat na mang-aawit at aktres na si Pilita Corales. Half brother niya ang aktor na si Ramon Christopher Gutierrez. Ikinasal siya kay Ricky Davao at nabiyayaan sila ng tatlong anak.

Nag-viral kamakailan ang throwback picture ni Jacky Lou na kuha noong siya ay labing-apat na taong gulang pa lang. Marami ang namangha sa angkin nitong ganda na kahit hanggang sa kasalukuyan ay taglay parin niya.

Samantala, sa muling pagsasama nila ni Ricky Davao sa isang teleserye, ikinabahala umano ng mga anak nila ang eksena nila ng sampalan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel