Julia Barretto, todo-suporta kay Gerald Anderson sa basketball game nito

Julia Barretto, todo-suporta kay Gerald Anderson sa basketball game nito

- Kinakiligan sina Julia Barretto at Gerald Anderson sa bagong video na binahagi ni Gerald sa kanyang YouTube channel

- Sumama si Julia sa 3 on 3 basketball game ng boyfriend niyang si Gerald para suportahan ito

- Sa huling bahagi ng video ay hindi tumanggi si Julia sa paanyayang isama siya sa exhibition sa dunk contest

- Makikita din kung paano alagaan ni Julia si Gerald sa pamamagitan ng pagpunas ng pawis nito kapag nasa break ito mula sa paglalaro

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Todo-suporta si Julia Barretto sa kanyang boyfriend na si Gerlad Anderson sa 3 on 3 basketball game nito. Marami ang kinilig sa dalawa lalo na nang sinama ni Gerald si Julia para sa isang exhibition sa dunk contest.

Julia Barretto, todo-suporta kay Gerald Anderson sa basketball game nito
Julia Barretto, todo-suporta kay Gerald Anderson sa basketball game nito (@andersongeraldjr)
Source: Instagram

Makikita sa naturang exhibition na nakaharap si Julia kay Gerald at nakayakap si Gerald sa kanya sa tapat ng basketball ring. May nakahawak naman sa bola sa likod ni Gerald. Matagumpay na nagawa ng kalahok ang kanyang exhibition sa pag dunk. Isa lang si Gerald sa mga judge sa dunk contest.

Read also

Xander Ford, nais na personal mag-sorry kay Kathryn: "Content lang po, bayad ako"

Narito ang mga komento ng mga fans ng dalawa na aminadong kinikilig sa dalawa:

akakakilig kaung dalawa...love you two...

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ewan bat sobrang kilig ako sa inyo ni julia
Aww he really loves her, never forgot his woman. Dunk challenge. Kilig much!

Si Gerald Anderson ay unang sumikat sa mundo ng showbiz matapos niyang mapabilang sa mga teen housemates ng Pinoy Big Brother kung saan nakasama niya si Kim Chiu. Naging katambal niya sa maraming pelikula si Kim na naging kasintahan niya rin sa totoong buhay. Gayunpaman, nagkahiwalay sila at naiugnay sa ibang mga aktres si Gerald kagaya nina Maja Salvador, Bea Alonzo at Sarah Geronimo.

Sa pag-guest ng kasintahan ni Gerald na si Julia Barretto sa YouTube channel ni Karen Davila, natanong siya kung sigurado siyang hindi siya sasaktan ng kanyang boyfriend. Ani Julia, hindi siya makikipagrelasyon kay Gerald kung hindi niya ito pinagkakatiwalaan. Pinapakita umano nito kay Julia na mapagkakatiwalaan siya at walang dahilan para pagdudahan niya si Gerald.

Read also

Yassi Pressman at Julia Barretto, kinaaliwan sa kanilang tagisan sa tongue twisters

Sa parehas ding panayam kay Julia, natanong ni Karen Davila kay Julia ang ilang bagay tungkol sa estado ng relasyon nila ni Gerald. Kabilang na dito ay ang posibilidad na magpakasal silang magkasintahan. Ani Julia, naniniwala siyang dadating sa kanila ni Gerald ang tamang panahon tungkol sa usaping ito. Aniya masaya naman siya at secured kahit hindi pa sila kinakasal ng aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel