Yassi Pressman, nagulantang matapos mabangga sa salamin ang kasama niya sa bahay

Yassi Pressman, nagulantang matapos mabangga sa salamin ang kasama niya sa bahay

- Naibahagi ni Yassi Pressman ang video ng pagkabangga ng kanyang kasama sa bahay sa salamin na pinto ng bahay niya

- Aniya, maging siya ay nagkakamali din umano dahil sa husay sa paglilinis ng kasambahay nila sa salamin ngunit hindi naman umano malakas ang pagkakabangga niya

- Kinagulantang niya ang lakas ng pagkabangga ng kanyang Kuya Domingo na naging dahilan ng pagkatanggal ng pinto

- Gayunpaman, pinagpapasalamat umano niya na ayos lang ang kuya Domingo niya at hindi din nabasa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Yassi Pressman ang video ng pagbangga ng kasama niya sa bahay sa salamin na pinto ng bahay niya. Aniya, maging siya ay nagkakamali din umano dahil sa husay sa paglilinis ng kasambahay nila sa salamin ngunit hindi naman umano malakas ang pagkakabangga niya.

Yassi Pressman at Julia Barretto, kinaaliwan sa kanilang tagisan sa tongue twisters
Yassi Pressman at Julia Barretto, kinaaliwan sa kanilang tagisan sa tongue twisters (@yassipressman)
Source: Instagram

Ani Yassi, dahil sa nangyari ay napagtanto niyang mahusay talaga maglinis ang kanilang mga angels.

our house angels are the best glass cleaners I've ever met. So many people have accidentally walked through the glass and that includes me. But never like this.

Aniya, dekalidad din ang salamin na binigay sa kanya ng suppliers niya dahil sa lakas ng pagkakabangga ay hindi ito nabasag.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

how good the quality of the glass my glass suppliers gave me, I must thank them, cause man........ that hit was HAAARD. Nagulantang ako talaga. NAKAKAPAGPABAGABAG.

Pinagpapasalamat umano niya na ayos lang ang kuya Domingo niya at hindi din nabasag ang salamin.

Kahit may lahing banyaga ay napabilib si Julia kay Yassi sa husay nito sa mga binigkas nilang tongue twistersSi Yassi Pressman o Yasmin Isabel Yasto Pressman sa totoong buhay ay isang Filipino-British model, actress, television personality, singer, at dancer. Matatandaang naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016. Kinalaunan ay naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano kung saan gumanap siyang Alyana Arevalo, ang asawa ni Cardo Dalisay na ginagampanan ni Coco Martin.

Sa ibinahaging video ng content creator na si Rob Moya, makikita ang kanyang pakikipag-usap kay Yassi. Ito ay nang isa si Rob sa mga guest sa game show kung saan si Yassi ang host na napapanood sa TV5. Aminado si Rob na crush niya si Yassi at alam niya umanong imposibleng maging boyfriend siya nito pero tinanong niya ang aktres kung siya ba ang tipo ng lalaki na papayagan ni Yassi na manligaw sa kanya.

Samantala si Alex Gonzaga ang kauna-unahang guest ni Yassi sa kanyang CAReoke sa kanyang YouTube channel. Sa naturang video ay naibahagi ni Alex kung paano nabuo ang kanta na nagmula sa pagtawag nila ng chambe sa kanyang pamangking si Seve Soriano. Marami naman ang naaliw sa pagiging energetic ng dalawa dahil hindi din nagpahuli si Yassi sa kakulitan ni Alex.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel