Yassi Pressman, binahagi ang kanyang vlog kung saan kasama niya si Alex Gonzaga

Yassi Pressman, binahagi ang kanyang vlog kung saan kasama niya si Alex Gonzaga

- Si Alex Gonzaga ang kauna-unahang guest ni Yassi Pressman sa kanyang CAReoke sa kanyang YouTube channel

- Habang nasa loob ng sasakyan ay kinanta ng dalawa ang mga awitin ni Alex kabilang na ang sikat na sikat na Chambe

- Naibahagi ni Alex kung paano nabuo ang kanta na nagmula sa pagtawag nila ng chambe sa kanyang pamangking si Seve Soriano

- Marami naman ang naaliw sa pagiging energetic ng dalawa dahil hindi din nagpahuli si Yassi sa kakulitan ni Alex

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang bagong video ni Yassi Pressman kung saan kasama niya ang kaibigang si Alex Gonzaga. Si Alex ang kanyang nakasama sa kanyang CAReoke kung saan kinanta nila ang ilan sa mga awitin ni Alex.

Yassi Pressman, binahagi ang kanyang unang vlog kung saan kasama niya si Alex Gonzaga
Yassi Pressman, binahagi ang kanyang unang vlog kung saan kasama niya si Alex Gonzaga (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Napagkwentuhan nila ang ilang mga bagay habang nasa biyahe. Naibahagi ni Alex kung paano nabuo ang kanta na nagmula sa pagtawag nila ng chambe sa kanyang pamangking si Seve Soriano.

Read also

Andrea Brillantes at Seth Fedelin, ayaw na munang magkatrabaho bilang magkapareha

Samantala marami naman ang naaliw sa pagiging energetic ng dalawa dahil hindi din nagpahuli si Yassi sa kakulitan ni Alex.

Congrats Ate Yassi More vlogs pa please. I'm your super fan, matagal na po hehe ikaw po naging inspiration ko kaya nahilig ako sa pagsasayaw. Super iniidolo po kita, sana po ma notice mo ako

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang galing makakatuwa kayong dalawa nakakalibang at prihamg maganda at energetic
Please I-Continue mo na tong Vlogging Mo Yass we miss seeing and watching you

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 12.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Kamakailan ay muling kinaaliwan ang biruan ng magkaibigang Alex at Luis Manzano. Ito ay matapos magkomento ni Alex sa Instagram post ni Luis kung saan inilabas nito ang kanyang reaksiyon sa meme kung saan pinagkatuwaan ang hugis ng kanyang mukha. Makikita sa meme na ipinalit sa barkong Titanic ang kanyang ulo na binaliktad at hirit ni Alex ay nakaka-offend umano ito sa Titanic. Bwelta naman ni Luis, ang baba ni Alex ang iceberg na nagpalubog sa Titanic.

Read also

Lee O'Brian, nag-post ng picture ng anak matapos lumabas ang balitang hiwalay na sila ni Pokwang

Sa kanyang collaboration kasama si Small Laude, hindi pinalampas ni Alex ang pagkakataon na ma-prank ang kapwa niya vlogger. Pinalabas niyang namomroblema siya matapos siyang maloko sa pera na nagkakahalaga ng 80 milyong piso. Kahit medyo malaking halaga ang sinabi ni Alex na kanya sanang hihiramin, agad na kinausap ni Small ang kanyang asawa. Kilala si Small bilang isa sa mga YouTube content creator na may kaya sa buhay kahit bago pa sumikat sa vlogging

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel