Lee O'Brian, nag-post ng picture ng anak matapos lumabas ang balitang hiwalay na sila ni Pokwang

Lee O'Brian, nag-post ng picture ng anak matapos lumabas ang balitang hiwalay na sila ni Pokwang

- Nag-post si Lee O'Brian ng picture ng kanyang anak na si Malia O'Brian sa gitna ng paglabas ng balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Pokwang

- Tinawag niyang angel ang kanyang anak na si Malia na kanyang pinasalamatan sa umano'y pagpapangiti nito sa kanya

- Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay tuloy na nagbabahagi si Lee ng mga pictures nilang mag-ama na tumutugma sa pahayag ni Pokwang na nakakapunta si Lee sa kanila upang makasama ang anak

- Nauna na ring nilinaw ni Pokwang na walang third party na sangkot sa kanilang desisyon na maghiwalay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Lee O'Brian ang kanyang anak na si Malia O'Brian. Sa isang post sa Instagram ay pinasalamatan nito ang anak sa umano'y pagpapangiti nito sa kanya.

Lee O'Brian, nag-post ng picture ng anak matapos lumabas ang balitang hiwalay na sila ni Pokwang
Lee O'Brian, nag-post ng picture ng anak matapos lumabas ang balitang hiwalay na sila ni Pokwang (@itspokwang27)
Source: Instagram

Kapansin-pansin sa kanyang IG account na natigil man ang pagpost niya ng pictures na kasama si Pokwang, tuloy-tuloy pa rin ang pagbabahagi niya ng pictures ng anak. Tumutugma sa pahayag ni Pokwang na nakakapunta si Lee sa kanila upang makasama ang anak. Ani Pokwang, tinapos nila nang maayos ang kanilang relasyon ay nagtutulungan sila sa pag-aalaga at pagpapalaki sa anak nila.

Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay kilala bilang isang komedyante, TV host at performer. Naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanilang pagbabakasyon sa Boracay, naibahagi ni Pokwang na nagkataong nagkita sila ni Andrew E. Aniya, sa huli ay nanaig ang respeto nang maganap ang pagkita nila kasama ang pamilya niya. Ito ay sa kabila ng magkaibang kandidato sa pagkapangulo na kanilang sinuportahan nitong nakaraang halalan. Matatandaang kamakailan lang ay pinagdiwang nila sa Boracay ang kaarawan ng anak niyang si Mae Subong.

Matatandaang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Dianz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee. Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit bilang respeto kay Pokwang ay hindi niya ito nababanggit sa kanyang Showbiz Update. Gayunpaman, dahil lumabas na rin ang balita ay minabuti niyang linawin ang balita para hindi na rin umano magsanga-sanga ang isyu. November pa noong nakaraang taon umano nagkahiwalay ang dalawa at kasalukuyang nakatira sa bukod na bahay si Lee.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel