Pokwang, nilinaw na walang third party na sangkot sa paghihiwalay nila ni Lee O'Brian

Pokwang, nilinaw na walang third party na sangkot sa paghihiwalay nila ni Lee O'Brian

- Diretsahang nilinaw ni Pokwang na walang third party na sangkot sa paghihiwalay nila ni Lee O'Brian

- Maayos umano ang kanilang paghihiwalay at sa katunayan ay nakakapunta si Lee sa bahay nila upang makasama ang kanilang anak na si Malia

- Hindi din pinalampas ni Pokwang ang mga sinasabi ng bashers na karma umano ang nangyari sa kanya

- Aniya, "nililinis lang ni God ang daraanan niya papunta sa tamang tao at sa mas maraming blessings na nakapila na"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinabi ni Pokwang na walang third party sa paghihiwalay nila ng partner na si Lee O'Brian. Inalmahan niya din ang mga bashers na nasabing karma ang nangyari sa kanya.

Pokwang, nilinaw na walang third party na sangkot sa paghihiwalay nila ni Lee O'Brian
Pokwang, nilinaw na walang third party na sangkot sa paghihiwalay nila ni Lee O'Brian (@itspokwang27)
Source: Instagram

Sa isang article ng Push na isinulat ni Leo Bukas, sinabi ni Pokwang na maayos ang kanilang naging paghihiwalay ni Lee at dumadalaw pa umano ito sa kanila.

Read also

Lee O'Brian, nag-post ng picture ng anak matapos lumabas ang balitang hiwalay na sila ni Pokwang

Naniniwala umano siyang nililinis lang ni God ang daraanan niya papunta sa tamang tao at sa mas maraming blessings na nakapila na.

Sa isang ulat ng GMA News ay naibahagi ni Pokwang ang tungkol sa love story nila ni Lee na nagsimula nang magkasama sila sa pelikulang "EDSA Woolworth."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Binahagi naman ni Pokwang ang dinanas nilang pagkukuwestiyon ng ibang tao tungkol sa kanilang relasyon. Kaugnay ito sa umano'y motibo ni Lee sa pakikipagrelasyon sa kanya. to ay naibahagi sa isang article ng Inquirer.net noong 2020.

Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay kilala bilang isang komedyante, TV host at performer. Naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.

Read also

Paolo Contis, pinasalamatan ang kanyang "chef" para sa kanyang everyday baon

Sa kanilang pagbabakasyon sa Boracay, naibahagi ni Pokwang na nagkataong nagkita sila ni Andrew E. Aniya, sa huli ay nanaig ang respeto nang maganap ang pagkita nila kasama ang pamilya niya. Ito ay sa kabila ng magkaibang kandidato sa pagkapangulo na kanilang sinuportahan nitong nakaraang halalan. Matatandaang kamakailan lang ay pinagdiwang nila sa Boracay ang kaarawan ng anak niyang si Mae Subong.

Matatandaang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Dianz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee. Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit bilang respeto kay Pokwang ay hindi niya ito nababanggit sa kanyang Showbiz Update. Gayunpaman, dahil lumabas na rin ang balita ay minabuti niyang linawin ang balita para hindi na rin umano magsanga-sanga ang isyu. November pa noong nakaraang taon umano nagkahiwalay ang dalawa at kasalukuyang nakatira sa bukod na bahay si Lee.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel