Paolo Contis, pinasalamatan ang kanyang "chef" para sa kanyang everyday baon

Paolo Contis, pinasalamatan ang kanyang "chef" para sa kanyang everyday baon

- Sa kanyang bagong Facebook post ay pinasalamatan ni Paolo Contis ang aniya'y "chef" niya para sa kanyang araw-araw na baon

- Kalakip nito ay binahagi ni Paolo ang ilang mga pictures niya kung saan makikita ang iba't-ibang ulam niya

- Matatandaang sa nauna niyang post kung saan pinasalamatan niya si Yen sa niluto nitong kaldereta

- Kamakailan ay inunahan naman ni Paolo ang mga bashers sa kanyang panibagong post sa kanyang personal Facebook account

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasalamatan ni Paolo Contis ang kanyang "chef" para umano sa kanyang everyday baon. Sa isang Facebook post ay binahagi ni Paolo ang ilang mga pictures niya kung saan makikita ang iba't-ibang ulam niya.

Paolo Contis, pinasalamatan ang kanyang "chef" para sa kanyang everyday baon
Paolo Contis, pinasalamatan ang kanyang "chef" para sa kanyang everyday baon (@paolo_contis)
Source: Instagram
Everyday shoot… Everyday baon… thanks to my chef..!!

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Ivana Alawi, madalas lingunin ng mga lalaking nakakasalubong niya sa Spain

Marami naman sa nagcomment sa kanyang Facebook post na ito ang napa-sana all.

Paolo Contis, pinasalamatan ang kanyang "chef" para sa kanyang everyday baon
Paolo Contis, pinasalamatan ang kanyang "chef" para sa kanyang everyday baon (Paolo Enrico Contis)
Source: Facebook

Hindi kagaya sa nauna niyang post na sa kasalukuyan ay burado na, wala nang taong naka-tag sa kanyang post. Matatandaang lumikha ng ingay ang naturang post niya.

Sa kasalukuyan ay hindi pa bumabalik sa paggawa ng pelikula at shows si Yen. Matatandaang unang nagkatrabaho ang dalawa sa pelikulang "A Far Away Land" na kinuhanan sa Faroe Islands na bahagi ng Kingdom of Denmark.

Si Paolo Contis ay isang aktor at komedyante na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng "Ang TV." Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent. Naging maingay ang pangalan ng aktor kamakailan kasunod ng pag-amin ni LJ Reyes tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Matatandaang ang kanyang manager na si Lolit Solis at ang talk show host na si Cristy Fermin ang ilang beses na nagtanggol sa kanya sa gitna ng mga pambabatikos na natanggap niya nang maghiwalay sila ni LJ. Gayunpaman, kinalaunan ay sinabi din ni Cristy na si Yen Santos at Paolo Contis nga ang nasa viral video.

Read also

Ella Cruz, umapela na huwag idamay ng bashers ang kanyang pamilya

Kamakailan ay inunahan na ni Paolo ang mga bashers sa kanyang panibagong post sa kanyang personal Facebook account. Ibinida niya na masarap ang kanyang baong adobo at may libreng bashing pa umano ito. Wala siyang binanggit na pangalan sa taong kanyang pinasalamatan ngunit tinawag niya itong "babikwoooh." Matatandaang sa nauna niyang post kung saan pinasalamatan niya si Yen sa niluto nitong kaldereta, humirit pa si Paolo ng adobo na pabirong sinagot ni Yen na abusado na umano ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel