Ella Cruz, umapela na huwag idamay ng bashers ang kanyang pamilya

Ella Cruz, umapela na huwag idamay ng bashers ang kanyang pamilya

- Binasag ni Ella Cruz ang kanyang pananahimik matapos makatanggap ng pambabatikos kaugnay sa kanyang naging pahayag

- Matatandaang naging mainit na usapin ang tungkol sa kanyang pahayag na "History is like chismis" kamakailan

- Sa kanyang Facebook post ay binahagi ni Ella ang screenshot ng isang social media post kung saan nabanggit ang kanyang ama

- Apela ni Ella, ayos lang sa kanya na i-bash siya ngunit huwag daw idadamay ang kanyang pamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umalma si Ella Cruz sa pandadamay umano sa kanyang pamilya sa gitna ng pambabatikos na kanyang pinagdadaanan. Aniya, ayos lang sa kanya na i-bash siya ngunit huwag daw idadamay ang kanyang pamilya.

Ella Cruz, umapela na huwag idamay ng bashers ang kanyang pamilya niya
Ella Cruz, umapela na huwag idamay ng bashers ang kanyang pamilya niya (@ellacruz)
Source: Instagram

Nag-ugat ang isyu nang sabihin ni Ella ang kanyang pananaw tungkol sa history na talaga namang inalmahan ng marami kabilang na ng mga historians.

Read also

Zeinab Harake, nilinaw na wala pa siyang boyfriend sa gitna ng kumalat na mga pictures

Maging ang ilang kasamahan niya sa showbiz ay naghayag ng kanilang pagkabahala sa naging pahayag ng aktres.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Ella ay kabilang sa gaganap sa pelikulang Maid in Malacañang na nakatakdang ipalabas sa August 3, 2022.

Si Ella Cruz ay isang artista, endorser, host, modelo at dancer. Kilala siya sa kanyang pagganap bilang si Aryana noong taong 2012 sa Kapamilya network. Matatandaang naging usap-usapan ang social media posts ni Ella at boyfriend nitong si Julian Trono.

Sa pag-viral ng kanyang pahayag tungkol sa history, naglabas si Xian Gaza ng isang open letter para kay Ella na talaga namang naging usap-usapan. Ani Xian, na-miss niya si Ella at nirerespeto nito ang opinyon niya ngunit nagbigay siya ng halimbawa ng pagkakaiba ng history, tsismis at historical revisionism. Ang tsismis umano ay ang lumabas na balitang ex-boyfriend siya ni Ella at ang nilagay niyang halimbawa ng historical revisionism ay tungkol sa naging pahayag ng magulang ni Ella na stalker umano siya ng aktres.

Read also

Zeinab Harake, usap-usapan matapos mag-tweet ng "looking for the right Mr. black"

Naglabas din ng pahayag si Pokwang kaugnay sa kontrobersiyal na pahayag ni Ella Cruz kaugnay sa kanyang paghahalintulad ng History sa Tsismis. Aniya, nirerespeto niya ang desisyon ni Ella kaugnay sa pananaw nito sa politika at sa sinuportahan nito. Gayunpaman, hindi umano siya sasang-ayon sa sinabi nito tungkol sa history dahil aniya ay maling-mali iyon. Nagbiro pa ito na gusto niyang ibalik sa dagat si 'Aryana' na dating ginampanan ni Elle kung saan si Pokwang ang gumanap bilang ina nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel