Zeinab Harake, usap-usapan matapos mag-tweet ng "looking for the right Mr. black"

Zeinab Harake, usap-usapan matapos mag-tweet ng "looking for the right Mr. black"

- Nag-tweet si Zeinab Harake ng picture ng dalawang taong magkayakap ngunit hindi kita ang mukha

- Kalakip ng naturang picture ay ang kanyang mensahe na "looking for the right mr.black"

- Marami naman ang naghayag ng kanilang pagsuporta at masaya umano sila para kay Zeinab

- Maging sa TikTok ay may mga videos din na kumakalat na may kasama si Zeinab na lalaki

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Zeinab Harake ang isang picture na talaga namang ikinaintriga ng marami. Hindi kita ang kanilang mukha sa naturang picture ngunit kalakip ng naturang picture ay ang kanyang mensahe na "looking for the right mr.black."

Zeinab Harake, usap-usapan matapos mag-tweet ng "looking for the right mr.black"
Zeinab Harake, usap-usapan matapos mag-tweet ng "looking for the right mr.black" (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Agad na umani ng reaksiyon mula sa netizens ang naturang tweet ni Zeinab. Marami sa kanyang mga fans ang naghayag ng kanilang kasiyahan para sa kanilang idolo. Umabot sa mahigit 42K na beses itong ni-retweet mula nang i-post ito ni Zeinab ngayong araw.

Read also

Ella Cruz, umapela na huwag idamay ng bashers ang kanyang pamilya

Si Zeinab Harake ay isang kilalang social media influencer at sikat na YouTube content creator na mayroong milyon-milyong subscribers. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Marami sa mga netizens ang bumati kay Zeinab noong Father's Day at binahagi niya ito sa kanyang IG stories. Marami sa mga ito ang pagbati sa kanyang pagtayo bilang ama sa anak niyang sina Lucas at Zebbiana. Matatandaang simula nang isapubliko ni Zeinab ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee ay bumuhos ang suporta sa kanya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging mula sa mga kapwa niya social media influencer at content creator. Kasalukuyang nasa pangangalaga niya ang anak na si Bia at ang adopted son na si Lucas

Nitong Father's Day ay sinabi ni Zeinab na saludo siya sa mga kapwa niya nanay na aniya ay nagpapaka-tatay sa kanilang mga anak. Kaya naman, isang pagbati ang binahagi ni Zeinab sa mga kagaya niyang single mom sa pamamagitan ng isang tweet. Bumuhos naman ang pagbati sa kanya mula sa kanyang mga followers na sumuporta sa kanya lalo na nang isapubliko niya ang paghihiwalay nila ni Skusta Clee.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel