Alex Gonzaga, napaniwala si Small Laude at kanyang mister sa kanyang "Pautang Prank"

Alex Gonzaga, napaniwala si Small Laude at kanyang mister sa kanyang "Pautang Prank"

- Sa kanyang collaboration kasama si Small Laude, hindi pinalampas ni Alex Gonzaga ang pagkakataon na ma-prank ang kapwa niya vlogger

- Pinalabas niyang namomroblema siya matapos siyang maloko sa pera na nagkakahalaga ng 80 milyong piso

- Kahit medyo malaking halaga ang sinabi ni Alex na kanya sanang hihiramin, agad na kinausap ni Small ang kanyang asawa

- Kilala si Small bilang isa sa mga YouTube content creator na may kaya sa buhay kahit bago pa sumikat sa vlogging

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi nakaligtas ang vlogger na si Small Laude sa prank ni Alex Gonzaga nang magkaroon sila ng collaboration kamakailan. Ang inakala ni Small na closet tour niya ay "Pautang Prank" pala.

Alex Gonzaga, napaniwala si Small Laude at kanyang mister sa kanyang "Pautang Prank"
Alex Gonzaga (@(@cathygonzaga)
Source: Instagram

Bago pa man nagsimula ang kanilang video ay pinalabas ni Alex na medyo malungkot siya at problemado. Habang nasa kalagitnaan ng kanilang pag shoot ng video, dito na nilabas ni Alex ang kanyang talento sa pag-arte.

Read also

Seth Fedelin, nilinaw na wala siyang sama ng loob kay Andrea Brillantes

Pinalabas niyang namumroblema siya matapos siyang maloko sa pera na nagkakahalaga ng 80 milyong piso. Agad niyang kinausap si Small at sinabing kung pwede ay makahiram siya ng pera.

Hindi kaagad naniwala si Small at naghinalang pinaprank lamang siya dahil alam umano niyang napakayaman ni Alex. Gayunpaman, nang makita niyang hindi natinag sa kanyang reaksiyon si Alex, kinausap niya ang kanyang asawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kinalaunan ay napansin nila ang camera na naka-on kaya wala nang ibang nagawa si Alex kundi aminin na lamang na prank iyon.

Nilinaw naman ng mister ni Small na hindi siya talaga nagpapahiram ng pera ngunit dahil si Alex ang namumroblema ay kaya siya napapayag.

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 12.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Read also

Robin Padilla, inaming na-depress nang hiwalayan ng unang asawa: "Hindi ako handa"

Naibahagi kamakailan ni Alex ang kanyang karanasang mahablutan ng cellphone habang nasa EDSA. Nabawi naman niya ang kanyang telepono at minabuti niyang patawarin na lamang ang snatcher.

Samantala, matapos lumabas ang bali-balitang nakunan si Alex, binahagi nila ng kanyang asawa ang tungkol sa pangayayari. Kinumpirma nilang hindi natuloy ang kanyang pagbubuntis at naging emosyonal sila lalo at masayang-masaya sila sa pag-aakalang magkakaroon na sila ng anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel