Seth Fedelin, nilinaw na wala siyang sama ng loob kay Andrea Brillantes

Seth Fedelin, nilinaw na wala siyang sama ng loob kay Andrea Brillantes

- Matapos ang pag-viral ng video kung saan sinagot ni Andrea Brillantes si Ricci Rivero, may mga negatibong komento na lumabas laban sa kanya

- Kaya naman minabuti ni Seth Fedelin na magsalita upang linawin ang isyu kung saan nadadawit siya

-Aniya, wala siyang sama ng loob sa kanyang kaibigan at masaya umano siya para sa kanya

- Dagdag pa niya, deserve umano ng kanyang kaibigan na may taong ipagsisigawang mahal siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang live video, minabuti ni Seth Fedelin na linawin na wala siyang sama ng loob kay Andrea Brillantes. Kaugnay ito sa pagsagot niya sa proposal ni Ricci Rivero na maging girlfriend siya nito.

Seth Fedelin, nilinaw na wala siyang sama ng loob kay Andrea Brillantes
Andrea Brillantes (@blythe)
Source: Instagram

Ani Seth, masaya siya para sa kanyang kaibigan at deserve umano nitona may taong magmamahal sa kanya na kayang ipagsigawan sa lahat ang pagmamahal niya para sa dalaga.

Read also

Anthony Leodones, ni-"real talk" ang bestfriend na si Toni Fowler

Aniya, alam nila ang totoong nangyari at mariin niyang tinanggi na masama ang kanyang loob. Matatandaang matapos ang paglabas ng video ni Andrea at Ricci, agad na natuon ang pansin ng marami kay Seth dahil siya ang nakilala ng publiko at inakalang karelasyon ni Andrea.

Marami sa mga fans ng tambalan nilang SethDrea ang nagulat at nalungkot sa nangyari. Sina Seth at Andrea ay naitambal sa ilang mga palabas ngunit una silang nagkasama sa teleseryeng Kadenang Ginto.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang kamakailan lang nang lumabas ang bali-balitang may namumuong pagtitinginan sa dalawa matapos makita si Andrea na suot ang jersey ni Ricci. Bago pa ito mangyari ay naging kontrobersiyal ang tambalang Andrea at Seth Fedelin lalo na nang mag-viral ang picture ni Seth kasama si Francine Diaz at ang pamilya ng dalaga.

Read also

Lumang video ng Jojowain o Totropahin challenge ni Andrea Brillantes, viral

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Sumikat din siya sa kanyang mahusay na pagganap bilang ang kontrabidang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Samanatala malaki ang pasasalamat ni Andrea sa social media dahil naging daan ito para maabot niya ang kanyang mga pangarap.

Ikinabigla naman ni Seth Fedelin ang hiningi sa kanya ni Andrea na blender na nagkakahalaga ng 50K at isang kabayo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel