Anthony Leodones, ni-"real talk" ang bestfriend na si Toni Fowler

Anthony Leodones, ni-"real talk" ang bestfriend na si Toni Fowler

- Diretsahang pinagsabihan ni Anthony Leodones ang kanyang bestfriend na si Toni Fowler

- Kaugnay ito sa kanyang naging desisyon na nagbunga ng mga problema sa kasalukuyan at iyon nga ay kaugnay sa gulo nila ni Rob Moya kamakailan

- Ani Anthony, sana ay alisin na ni Toni ang mga taong toxic at wala namang naidudulot na maganda sa kanya

- Nabanggit pa nito na sa sobrang bait umano ni Toni, kinuhanan na siya ng pera ay binigyan pa ulit niya ng pera ang taong ito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Walang preno ang pangaral ni Anthony Leodones sa bestfriend niyang si Toni Fowler. Aniya, mabait talaga ang kaibigan ngunit naaabuso na umano ito ng mga taong nakakasama niya

Anthony Leodones, ni-"real talk" ang bestfriend na si Toni Fowler
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Ani Anthony, sa sobrang bait ni Toni, ang taong kumuha ng pera niya ay binigyan pa niya ng pera. Inalmahan niya rin ang mga taong gumagamit lamang umano sa kanya. Dapat ay alisin na umano niya ang mga taong alam niyang dapat niya nang tanggalin sa buhay niya.

Read also

Seth Fedelin, humiling na tigilan na ang mga pambabatikos sa kanyang kaibigan

Dapat daw ay isipin nila ang kapakanan ng anak ni Toni na maaring maapektuhan si Tyronia. Sana daw ay huwag nilang bigyan ng kahihiyan ang mga anak nila.

Impulsive at minsan ay self-centered umano si Toni kaya dapat ay huwag palaging konsintihin ng kanyang mga kasamahan ang mga ginagawa ni Toni.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang nag-ugat ang gulo nang lumabas sina Rob kasama sina Toni para ipagdiwang ang kanyang kaarawan. kasunod niyon ay nag-viral ang video kung saan sinampal umano ni Toni si Rob. Gayunpaman, ang nakuhanan lamang ng video ay ang paglabas na nina Toni.

Depensa naman ni Rob, kaya umano siya sinampal ni Toni ay dahil sinabi niyang mahal na mahal niya pa si Toni at gusto niya umano silang magkabalikan. gayunpaman, nilinaw niyang dala ng kanyang kalasingan ay nailabas niya ang kanyang tunay na nararamdaman para kay Toni.

Read also

Seth Fedelin, nilinaw na wala siyang sama ng loob kay Andrea Brillantes

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel