Seth Fedelin, humiling na tigilan na ang mga pambabatikos sa kanyang kaibigan

Seth Fedelin, humiling na tigilan na ang mga pambabatikos sa kanyang kaibigan

- Hindi na nakatiis si Seth Fedelin matapos niya umano mabasa ang mga hindi tamang komento laban sa kanyang kaibigan

- Ang kanyang tinutukoy na kaibigan ay si Andrea Brillantes na trending pa rin dahil sa pagsagot niya sa basketball player na si Ricci Rivero

- Hiniling niya na sana ay tigilan na ang mga pambabatikos dahil hindi naman umano alam ng mga tao kung ano talaga ang nangyari

- Aniya, sana ay huwag mawalan ng respeto sa kapwa at nilinaw niyang wala siyang galit na nararamdaman para sa kanyang kaibigan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakiusap si Seth Fedelin sa mga netizens na tigilan na ang mga hindi magandang salita sa kanyang kaibigang si Andrea Brillantes. Aniya, hindi deserve ng kanyang kaibigan na masabihan ng mga hindi magagandang bagay dahil alam umano nilang magkakaibigan ang totoong nangyari.

Read also

Seth Fedelin, nilinaw na wala siyang sama ng loob kay Andrea Brillantes

Seth Fedelin, humiling na tigilan na ang mga pambabatikos sa kanyang kaibigan
Andrea Brillantes (@blythe)
Source: Instagram

Ang kanyang tinutukoy na kaibigan ay si Andrea Brillantes na trending pa rin dahil sa pagsagot niya sa basketball player na si Ricci Rivero. Aniya, sana ay huwag mawalan ng respeto sa kapwa at nilinaw niyang wala siyang galit na nararamdaman para sa kanyang kaibigan.

Matatandaang pagkatapos ng paglabas ng video ng proposal ni Ricci, marami ang napa-sana all sa bonggang proposal ni Ricci kay Andrea para maging girlfriend niya ang dalaga. Sa video na lumabas sa social media, makikita si Andrea sa audience at tinanong siya ni Ricci kung pwede ba daw siyang maging girlfriend nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan lang nang lumabas ang bali-balitang may namumuong pagtitinginan sa dalawa matapos makita si Andrea na suot ang jersey ni Ricci. Bago pa ito mangyari ay naging kontrobersiyal ang tambalang Andrea at Seth Fedelin lalo na nang mag-viral ang picture ni Seth kasama si Francine Diaz at ang pamilya ng dalaga.

Read also

Anthony Leodones, ni-"real talk" ang bestfriend na si Toni Fowler

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Sumikat din siya sa kanyang mahusay na pagganap bilang ang kontrabidang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Samanatala malaki ang pasasalamat ni Andrea sa social media dahil naging daan ito para maabot niya ang kanyang mga pangarap.

Ikinabigla naman ni Seth Fedelin ang hiningi sa kanya ni Andrea na blender na nagkakahalaga ng 50K at isang kabayo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel