Lumang video ng Jojowain o Totropahin challenge ni Andrea Brillantes, viral

Lumang video ng Jojowain o Totropahin challenge ni Andrea Brillantes, viral

- Kasunod ng pag-viral ng pagsagot ni Andrea Brillantes kay Ricci Rivero, naging usap-usapan ang bahagi ng Jojowain o ToTropahin challenge niya

- Bahagi ng video niyang ito kung saan kasama niya ang kanyang kapatid ay ang pagtanong sa kanya kung jojowain o totropahin niya si Ricci

- Sagot ni Andrea ay totropahin niya lang umano si Ricci dahil bukod sa hindi pa niya ito nakikilala, baskteball player umano ito

- Dagdag pa niya, kapag basketball player daw ay may reputasyon ng pagiging babaero

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agad na nag-viral ang bahagi ng Jojowain o ToTropahin challenge ni Andrea Brillantes kasunod ng kanyang pagsagot kay Ricci Rivero. Bahagi ng video niyang ito kung saan kasama niya ang kanyang kapatid ay ang pagtanong sa kanya kung jojowain o totropahin niya si Ricci at aniya ay totropahin lang daw niya ang basketbolista.

Read also

Seth Fedelin, humiling na tigilan na ang mga pambabatikos sa kanyang kaibigan

Jojowain o Totropahin challenge ni Andrea Brillantes, viral
Andrea Brillantes (@blythe)
Source: Instagram

Aniya, bukod sa hindi pa niya ito nakikilala, baskteball player umano ito at kapag basketball player daw ay may reputasyon ng pagiging babaero.

Pagkatapos ng paglabas ng video ng proposal ni Ricci, marami ang napa-sana all sa bonggang proposal ni Ricci kay Andrea para maging girlfriend niya ang dalaga. Sa video na lumabas sa social media, makikita si Andrea sa audience at tinanong siya ni Ricci kung pwede ba daw siyang maging girlfriend nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang kamakailan lang nang lumabas ang bali-balitang may namumuong pagtitinginan sa dalawa matapos makita si Andrea na suot ang jersey ni Ricci. Bago pa ito mangyari ay naging kontrobersiyal ang tambalang Andrea at Seth Fedelin lalo na nang mag-viral ang picture ni Seth kasama si Francine Diaz at ang pamilya ng dalaga.

Read also

Seth Fedelin, nilinaw na wala siyang sama ng loob kay Andrea Brillantes

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Sumikat din siya sa kanyang mahusay na pagganap bilang ang kontrabidang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Samanatala malaki ang pasasalamat ni Andrea sa social media dahil naging daan ito para maabot niya ang kanyang mga pangarap.

Ikinabigla naman ni Seth Fedelin ang hiningi sa kanya ni Andrea na blender na nagkakahalaga ng 50K at isang kabayo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel