Glenda Dela Cruz, inaming pinakamatinding bashing ang nangyari sa kanya nung 2022

Glenda Dela Cruz, inaming pinakamatinding bashing ang nangyari sa kanya nung 2022

- Inamin ni Glenda Dela Cruz na pinakamatinding bashing talaga ang sinapit niya noong nakaraang taong 2022

- Ito ay ang panahon kung saan na-ospital pa siya sa tindi umano ng anxiety na dinanas niya

- Dahil umano sa mga malalang akusasyon sa kanya na maging ang mga anak niya ay nadamay

- Subalit dahil sa nangyaring iyon, doon niya napatunayan na maraming tao ang naniniwala, nagmamahal at kayang ipagtanggol siya nang walang kapalit

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Idinetalye ng Brilliant Skin CEO na si Glenda Dela Cruz ang matinding bashing na halos hindi niya umano kayanin noong 2022.

Glenda Dela Cruz, inaming pinakamatinding bashing ang nangyari sa kanya nung 2022
Glenda Dela Cruz (Ogie Diaz YouTube)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na ito ay ang panahong na-ospital pa umano siya dahil sa anxiety na bunga ng mga paninirang pinupukol sa kanya.

"I think 'yun yung last year na na-hospital ako. Kasi grabe e. Grabe kang husgahan na malandi ka, may lalake ka. At 'yung pinakamasaklap 'yung nagpalaglag ka," ang sagot ni Glenda nang matanong sa kanya ni Ogie Diaz ang tungkol sa pinakagrabeng bashing na naibato sa kanya.

Read also

Parokya ni Edgar, nabisita ang kabandang si Gab: "Sobrang aliwalas niya tingnan"

"Dahil dun, bina-bash ako ng mga tao. Tapos, there's this one person na ginamit niya 'yun. Ang tagal nang nakalipas nun ah, sa totoo lang nagkabalikan na kami. So parang ginagamit niya 'yun para ilaglag ako. Na parang ay hindi naman talaga totoong nagkabalikan. Pakitang tao lang kayo. Nagkabalikan talaga kami," pagdidetalye ng Brilliant Skin CEO.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa tindi umano ng sinapit niya, dumating sa puntong ninais na lamang niyang matulog sa loob ng tatlong araw hanggang siya ay tuluyan nang kumalma.

"Nung time na 'yun nakikiusap ako sa doktor na patulugin na lang ako. Bukod sa nasasaktan ako na hindi ako makalaban, kasi parang nung time na sumagot ako, na-block yung Facebook ko"

Gayunpaman, ang pangyayaring ito ang siyang nagbigay din ng lakas at kumpiyansa kay Glenda dahil sa dami ng patuloy na naniniwala sa kanya at nagagawa pa siyang ipagtanggol ng mga ito.

Read also

Maegan Aguilar, hiling na sana'y ampon lang siya: "My father doesn't protect me"

"Somehow thankful ako, kahit anong paninira niyo sa akin, mahal na mahal ako ng mga tao. Until now, masasabi ko na nasa akin pa rin lahat"

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz:

Si Glenda Dela Cruz ang CEO ng Brilliant Skin. Kamakailan, ginanap sa Araneta Coliseum ang kanyang 'Pinakamakinang concert' na dinaluhan din ng mga kilalang showbiz personalities.

Ilan sa mga ito ay sina Andrea Brillantes at Alden Richards. Gayundin ang YouTube content creator na si Zeinab Harake na isa sa mga endorsers ni Glenda sa matagumpay niyang negosyo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel