Maegan Aguilar, hiling na sana'y ampon lang siya: "My father doesn't protect me"

Maegan Aguilar, hiling na sana'y ampon lang siya: "My father doesn't protect me"

- Naging emosyonal si Maegan Aguilar sa 'Wanted sa Radyo' matapos na mabigyang pag-asa parin ito ni Senator Raffy Tulfo

- Sinabi kasi nito na kung papayag itong magpa-rehab, may posibilidad pa rin na tulungan siya ng senador

- Labis na ipinagpapasalamat ito ni Maegan ngunit nabanggit naman niya ang kanyang ama na umano'y hindi siya kayang proteksyunan

- Dahil dito, nasabi niyang sana'y isa na lamang siyang ampon na may pag-asang palarin na mapunta sa mabubuti umanong mga magulang

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

"I wish I was an orphan sir," ani Maegan Aguilar na naging emosyonal matapos na bigyan pa rin siya umano ng pag-asang matulungan ni Senator Raffy Tulfo.

Maegan Aguilar, hiling na sana'y ampon lang siya: "My father doesn't protect me"
Maegan Aguilar at amang si Freddie Aguilar (Ka Freddie)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na sa paglabas ng resulta sa isinagawang hair follicle test sa kanya kung saan siya nagpositibo, inalok siya ni Senator Raffy na umano'y sumailalim sa rehabilitation.

Read also

Parokya ni Edgar, nabisita ang kabandang si Gab: "Sobrang aliwalas niya tingnan"

Sa ngayon, ito umano ang tulong na maibibigay ng senador lalo na at nagbitaw ito ng salita na bubuhos sana ang tulong kay Maegan kung ito ay nagnegatibo sa drug test.

Subalit dahil positibo ito, hindi ito maibibigay ni Tulfo kahit pa sana ito'y nakahanda na.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, nagkapag-asa si Maegan sa sinabi ni Tulfo na sakaling makalabas na siya ng rehab at tuluyan na nitong tatalikuran ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot, baka sakaling ibigay din nila ang tulong para sa anak ni Freddie Aguilar.

Sa pagpapasalamat ni Maegan, nabanggit naman niya ang ama na umano'y hindi siya kayang proteksyunan at alagaan.

"Alam po ng buong mundo na my father doesn't protect me. My father doesn't care about what happened to me. And everybody knows it," ani Maegan.

Read also

Glenda Dela Cruz, inaming pinakamatinding bashing ang nangyari sa kanya nung 2022

"I wish I was an orphan sir... Mas maganda pong maging ampon sir, kesa ganito na totoong anak, pinapanood lang nila akong masira sir," saad ni Maegan.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

Isang buwan na umano ang nakararaan nang dumulog si Maegan Aguilar sa programa ni Raffy Tulfo.

Sinubukan din ng programa na makapanayam ang kilalang folk singer at isa sa haligi ng OPM sa bansa na si Freddie Aguilar upang malaman ang magiging pahayag nito tungkol sa kanyang anak subalit hindi na nila ito nakausap habang nasa ere ang programa.

Gayunpaman sa panayam ni Aster Amoyo kay Freddie, nabanggit nitong bagama't nagkakausap na sila ni Maegan, hindi pa rin ito maaring magtungo sa kanyang tahanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel