Xander Ford, nais na personal mag-sorry kay Kathryn: "Content lang po, bayad ako"

Xander Ford, nais na personal mag-sorry kay Kathryn: "Content lang po, bayad ako"

- Nilinaw ni Xander Ford na 'bayad' at para sa content lamang ang naging kontrobersyal na komento noon kay Kathryn Bernardo

- Aniya, nakapag-sorry na siya sa mga fans na talagang inalmahan ang mga nasabi ni Xander sa kanilang idolo

- Ngunit inihayag din ni Xander na nais niyang makahingi mismo ng tawad sa aktres nang personal

- Nasabi rin ni Xander na labag umano sa kanyang kalooban ang mga nai-post na ito kay Kathryn

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga binigyang linaw ni Xander Ford sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz ay ang kontrobersyal niyang post noon kay Kathryn Bernardo.

Xander Ford, nasi na personal mag-sorry kay Kathryn: "Content lang po, bayad ako"
Xander Ford (Ogie Diaz YouTube channel)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na labis kasi itong ikinagalit umano ng mga fans ng aktres.

Ayon kay Xander, hindi niya intensyong sabihin ang mga ganoong bagay tungkol kay Kathryn lalo na at litaw na litaw naman ang kagandahan nito sa industriya ng showbiz.

"Actually dun sa content na 'yun, labag po sa kalooban ko 'yun. Sabihin na natin na content. kinontent, bayad ako," paglilinaw ni Xander.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bagama't nakapag-sorry na umano siya sa mga fans ni Kathryn, hangad niyang personal na humingi rin ng sorry sa aktres.

"Actually po, nanghingi po ako ng sorry sa mga fans. Pero 'yung isang pangarap ko po talaga na makaharap si Ate Kathryn ng personal, na makapaghingi ako ng sorry."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Inspires YouTube channel:

Si Marlou Arizala ay kilala bilang si Xander Ford sa social media. Pinalitan ang kanyang pangalan matapos ang kanyang kontrobersiyal na make over na naibahagi rin sa programang Rated K.

Gayunpaman, matapos ang kabi-kabilang kontrobersiyang kanyang kinasangkutan ay tuluyan na siyang binitawan ng management na tumulong sa kanyang make-over.

Kamakailan, masayang inanunsyo nina Xander at ng kanyang nobya na si Gena Mago na magkakaroon na sila ng baby.

Gayunpaman, habang sila ay nagdiriwang sa biyayang paparating, hindi pa rin naman sila tinantanan ng mga bashers na maging ang kanilang anak sa sinapupunan ay hindi nakaligtas sa mga hindi magagandang komento ng ilang netizens.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel