Isabelle Daza, aminadong di kailanman nagkaroon ng karelasyon sa showbiz

Isabelle Daza, aminadong di kailanman nagkaroon ng karelasyon sa showbiz

- Naikwento ni Isabelle Daza sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga na hindi kailanman siya nagkaroon ng karelasyon sa showbiz

- Marami man ang umaligid sa kanya, subalit hindi niya binigyan ng pagkakataong magkaroon ng nobyo sa isa man sa mga ito

- Nabanggit din ni Isabelle na ayaw lang niyang maging bahagi ng 'checklist' ng ilan sa mga aktor na umano'y mayroong ganoong klaseng reputasyon

- Sa ngayon, nagdadalang-tao muli si Isabelle sa ikatlong anak nila ng kanyang mister na si Adrien Semblat

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi kailanman nagkaroon ng boyfriend sa showbiz ang aktres at TV host na si Isabelle Daza.

Isabelle Daza, aminadong di kailanman nagkaroon ng karelasyon sa showbiz
Isabelle Daza (@isabelledaza)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa mga napag-usapan nila sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa programa nitong 'Toni Talks.'

Maging si Toni ay nagulat ngunit nilinaw naman ni Isabelle na marami umanong nanligaw subalit ayaw lang niya talagang makarelasyona ng isang aktor.

Read also

Debbie Garcia, tinangging nagkarelasyon sila ni Diego Loyzaga

"Showbiz is such a small world... Hindi ko lang type. Hindi ko lang sila type," ani Isabelle.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"I don't know, syempre guys in showbiz have this reputation na I don't want to be on their checklist. And I was not ever attracted to somenone na feeling ko may connection kami or something," paliwanag ni Isabelle.

Kaya naman ang kanyang nakatuluyan na si Adrien Semblat ay hindi isang aktor. Isa sa mga napagkasunduan nila ay sports na talagang pareho nilang hilig.

Narito ang kabuuan ng kanilang masayang kwentuhan mula sa Toni Gonzaga Studio YouTube channel:

Isabelle Diaz Daza-Semblat ay isang Filipino actress, television host atmodel. Siya ay anak ni Miss Universe 1969 titleholder, Gloria Diaz. Ikinasal si Belle kay Adrien Semlat noong 2016 at nabiyayaan na sila ng dalawang anak.

Read also

Cristy sa mga nagsasabing 'pambansang paawa' si Andrew Schimmer; "Nakakalungkot"

Samantala, si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang Filipina singer, television host, actress, producer, vlogger, at entrepreneur. Siya ang panganay na kapatid ng isa rin sa kilalang aktres, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga.

Sa kanyang YouTube channel na Toni Gonzaga Studio, nakapanayam na niya ang mga kilalang personalidad sa bansa maoa-showbiz man o pulitika o maging ordinaryong tao na nagbigay inspirasyon sa atin.

Siya rin ang nakapag-interview kay President Bongbong Marcos kung saan nai-tour pa siya nito sa Malacanang

Isa ang programa niyang 'Toni' ang sa mga mapapanod sa AMBS 2 o ALLTV mula Lunes hanggang Biyernes.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel