Debbie Garcia, tinangging nagkarelasyon sila ni Diego Loyzaga

Debbie Garcia, tinangging nagkarelasyon sila ni Diego Loyzaga

- Itinanggi ni Debbie Garcia na third party siya sa relasyong Diego Loyzaga at Barbie Imperial

- Nilinaw niya rin na walang namagitang relasyon sa kanila ni Diego kagaya sa lumabas na balitang dahilan umano ng ikinagalit ng aktres

- Buti na lang umano at nakapagpa-medicolegal siya noong gabing nangyari ang gulo sa pagitan nila ni Barbie

- Nauna nang naibalita na nagsampa na ng kaso si Debbie kay Barbie kaugnay sa umano'y ginawa nito sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Itinanggi ni Debbie Garcia na third party siya sa relasyong Diego Loyzaga at Barbie Imperial. Sa panayam sa kanya ni MJ Marfori, sinabi niyang kaibigan niya lamang si Diego.

Debbie Garcia, tinangging nagkarelasyon sila ni Diego Loyzaga
Debbie Garcia, tinangging nagkarelasyon sila ni Diego Loyzaga (@msbarbieimperial)
Source: Instagram

Buti na lang umano at nakapagpa-medicolegal siya noong gabing nangyari ang gulo sa pagitan nila ni Barbie lalo at marami umanong lumalabas na kwento na hindi naman daw totoong nangyari.

Read also

Barbie Imperial ayaw nang magkaroon pa ng kaugnayan kay Debbie Garcia

Sa lumabas na CCTV, makikita ang pag-aawat ng mga taong kasama nila nang magpang-abot sila ng babaeng nasa video na sinasabing si Barbie.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakilala si Barbie Imperial matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: 737 kung saan nakilala siya bilang "The Doll along the Riles of Albay." Pinsan siya nina Michelle at Marco Gumabao. Matatandaang naging viral ang pag-amin ni Barbie tungkol sa relasyon nila ni Diego Loyzaga noong 2021 na aniya ay hindi niya inasahan dahil sila ay nagsimula sa pagkakaibigan. Pinasalamatan din ni Barbie si Diego dahil sa pagmamahal at pagpapasaya nito sa kanya.

Samantala, ayon kay Barbie, bati na sila ng kontrobersiyal na social media personality na si Xian Gaza. Ito ay dahil sa umano'y panonood ni Xian sa kanyang kauna-unahang vlog episode na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Kabilang si Xian sa mga lalaking tinanong kay Barbie kung "jojowain o totropahin" niya at sinabi niyang totropahin lang si Xian dahil lagi niya itong inaaway. Matatandaang nag-viral ang reaction video ni Xian sa naturang vlog ni Barbie kung saan hindi nito maitago ang kanyang kilig.

Read also

Cristy sa mga nagsasabing 'pambansang paawa' si Andrew Schimmer; "Nakakalungkot"

Kamakailan ay sinorpresa ni Barbie ang ilang food delivery riders sa pamamagitan ng pagkaing siya mismo ang nag-order. Sa kanyang bagong vlog, pinakita niya ang mga naging reaksiyon ng drivers nang malaman nilang para pala sa kanila ang mga pagkaing dapat ay i-dedeliver nila. Ayon kay Barbie, dahil marami siyang natatanggap na biyaya ay naisipan nila ng kanyang team na magbahagi din ng biyaya. Isa sa mga riders na kanyang nabigyan ay bahagyang naging emosyonal dahil hindi pa daw siya nakaranas na mabigyan kagaya sa ginawa ni Barbie.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel