Barbie Imperial ayaw nang magkaroon pa ng kaugnayan kay Debbie Garcia

Barbie Imperial ayaw nang magkaroon pa ng kaugnayan kay Debbie Garcia

- Nagsalita na si Barbie Imperial kaugnay sa kinasangkutang gulo sa isang bar kung saan sangkot din ang Viva actress na si Debbie Garcia

- Sa panayam sa kanya sa “Tonite L Na L” nng mga host na sina Nonie Nicasio at Roldan Castro, nabanggit niyang naka-move on na siya sa gulong ito

- Aniya, hindi siya nagsalita noon dahil nasa korte na umano ang kaso ngunit aniya, hanggang sa kasalukuyan ay wala raw siyang update tungkol sa isinampang kaso sa kanya

- Sinabi niya rin na may malalim na isyu ni Debbie na dati ay naging kaibigan niya rin

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Barbie Imperial, may malalim na isyu sila ni Debbie Garcia at ayaw niya nang magkaroon ng ugnayan dito. Sa panayam sa kanya sa “Tonite L Na L” nng mga host na sina Nonie Nicasio at Roldan Castro, nabanggit niyang naka-move on na siya sa gulong ito.

Read also

Kakai Bautista, muntik nang mag-quit sa showbiz dahil sa naging isyu umano kay Mario Maurer

Barbie Imperial ayaw nang magkaroon pa ng kaugnayan kay Debbie Garcia
Barbie Imperial ayaw nang magkaroon pa ng kaugnayan kay Debbie Garcia (@msbarbieimperial)
Source: Instagram
“Honestly for me kasi we were friends before, something happened lang na malalim. Ako naman po hindi naman ako ‘yung tao na nagagalit if wala naman, chances were given before pero pag inulit-ulit kasi parang bastos na ‘di ba?”

Ani Barbie, wala pa siyang natatanggap na subpoena sa kasalukuyan ngunit handa naman daw siyang harapin ito sakali mang matuloy ang kaso.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nakilala si Barbie Imperial matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: 737 kung saan nakilala siya bilang "The Doll along the Riles of Albay." Pinsan siya nina Michelle at Marco Gumabao. Matatandaang naging viral ang pag-amin ni Barbie tungkol sa relasyon nila ni Diego Loyzaga noong 2021 na aniya ay hindi niya inasahan dahil sila ay nagsimula sa pagkakaibigan. Pinasalamatan din ni Barbie si Diego dahil sa pagmamahal at pagpapasaya nito sa kanya.

Read also

Zeinab Harake, ipinakita ang sosyal na Christmas decorations sa kanyang "favorite place"

Samantala, ayon kay Barbie, bati na sila ng kontrobersiyal na social media personality na si Xian Gaza. Ito ay dahil sa umano'y panonood ni Xian sa kanyang kauna-unahang vlog episode na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Kabilang si Xian sa mga lalaking tinanong kay Barbie kung "jojowain o totropahin" niya at sinabi niyang totropahin lang si Xian dahil lagi niya itong inaaway. Matatandaang nag-viral ang reaction video ni Xian sa naturang vlog ni Barbie kung saan hindi nito maitago ang kanyang kilig.

Kamakailan ay sinorpresa ni Barbie ang ilang food delivery riders sa pamamagitan ng pagkaing siya mismo ang nag-order. Sa kanyang bagong vlog, pinakita niya ang mga naging reaksiyon ng drivers nang malaman nilang para pala sa kanila ang mga pagkaing dapat ay i-dedeliver nila. Ayon kay Barbie, dahil marami siyang natatanggap na biyaya ay naisipan nila ng kanyang team na magbahagi din ng biyaya. Isa sa mga riders na kanyang nabigyan ay bahagyang naging emosyonal dahil hindi pa daw siya nakaranas na mabigyan kagaya sa ginawa ni Barbie.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel