Zeinab Harake, ipinakita ang sosyal na Christmas decorations sa kanyang "favorite place"

Zeinab Harake, ipinakita ang sosyal na Christmas decorations sa kanyang "favorite place"

- Ibinida na ni Zeinab Harake ang kanyang Christmas decorations sa nilarawan niyang 'favorite place'

- Siya mismo ang namili ang ilan sa mga ginamit na dekorasyon at base umano ito sa kanyang taste

- Kapansin-pansin na hindi nawala ang mga paborito niyang mamahaling brands tulad ng Chanel, Hermes at Dior

- Bago matapos ang video, nabanggit niyang masaya na umano ang kanyang tahanan hindi tulad ng dati kaya naman nilarawan niyang pinakamasarap uwian ang kanyang tahanan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ipinasilip na ni Zeinab Harake ang sosyal at bonggang Christmas decorations niya sa kanilang bahay.

Zeinab Harake, ipinakita ang sosyal na Christmas decorations sa kanyang "favorite place"
Zeinab Harake
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na itinuring na niya itong 'favorite place' lalo na at masaya na siyang umuuwi rito.

Siya rin mismo ang namili ng ilang mga pang decorations na base umano sa kanyang taste.

"Kung sa tingin niyo ang weird ng color combination para sa inyo, wala akong pakialam. Kasi para sa'kin maganda siya dahil taste ko naman 'to. Hindi ko naman poproblemahin kung ano 'yung taste niyo," ani Zeinab.

Read also

Brenda Mage, nanakawan ng mga alahas; "'di ko kasalanan na magtiwala ako sa tao"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Gayunpaman, napakaganda ng kinalabasan ng kanilang dekorasyon ngayong taon na maging si Bia ay natuwa lalo na sa giant Santa Claus na binili mismo ni Zeinab upang makadagdag ng saya ngayong Kapaskuhan.

Para kay Zeinab, kakaiba ang Pasko ngayong taon na masasabi niyang puno na ng saya na nagmumula pa lamang sa kanilang tahanan.

"Parang nagiging iba na 'yung dating ng bahay ko. Hindi na siya sad kagaya dati. Ngayon 'pag pumapasok ako ng bahay ko... This is my favorite place. Kasi totoo naman 'yung kasabihan na pinakamasarap uwian is yung tahanan mo at 'yung tahanan mo na nagiging positive na ulit, wala nang negativity, wala nang kahit na anong toxic sa loob ng bahay"

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.2 million subscribers sa kanyang channel.

Read also

Show ni Jake Zyrus sa USA, flop ayon sa source ni Ogie Diaz; "Mas gusto nila si Charice"

Kamakailan naging kontrobersyal si Zeinab matapos na umano'y isiwalat ni Wilbert Tolentino ang ilan sa mga screenshots ng kanilang naging pag-uusap tungkol umano sa mga kapwa nila vloggers.

Gayunpaman, tila unti-unti nang nakakabangon sa kontrobersiya si Zeinab matapos na ipakita ang masasaya niyang ginagawa kamakailan tulad ng food trip sa Ugbo, pagbili ng bagong sasakyan at gayundin ang kanilang Dubai trip kasama ang kanyang kapatid na si Rana.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel