Brenda Mage, nanakawan ng mga alahas; "'di ko kasalanan na magtiwala ako sa tao"

Brenda Mage, nanakawan ng mga alahas; "'di ko kasalanan na magtiwala ako sa tao"

- Malungkot na ibinalita ni Brenda Mage na nanakawan siya ng alahas na nasa loob mismo ng kanyang tahanan

- Aniya, nasa dalawang buwan na niya itong hindi na-check at kamakailan lang niya napagtanto na wala na ito

- Balak pa naman sana niya itong isangla upang may maipasweldo umano sa kanyang trabahante

- Aminado si Brenda na hindi niya ito inaasahang mawala dahil kahit noong siya'y nasa Maynila, hindi siya nawawalan ng gamit

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pamamagitan ng isang Facebook Live, isiniwalat ng dating PBB housemate na si Brenda Mage na nanakawan 'di umano siya ng alahas.

Brenda Mage, nanakawan ng mga alahas; "'di ko kasalanan na magtiwala ako sa tao"
Brenda Mage
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na halos hindi makapagkwento ng maayos si Brenda sa nangyari lalo na at wala umano siyang suspek na maisip na makagagawa nito sa kanya.

Read also

Dina Bonnevie, nilinaw na okay sila ni Alex Gonzaga at wala siyang galit

Ayon kay Brenda, nakita na lamang niyang wala ang mga alahas nang balak sana niya itong isangla upang may maipampasahod sa kanyang trabahante.

Subalit laking gulat niya nang makitang wala na ito sa kanyang jewelry box.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang masaklap din, hindi pa niya ito fully-paid at balak pa nga sanang isauli sa kanyang pinagkunan.

“Kasalanan ba ng tao na nagtiwala o kasalanan ng taong sumira ng tiwala?” ani Brenda na aminadong nagtiwala sa mga tao sa kanilang tahanan.

Hindi rin niya talaga inaasahang mangyayari ito lalo na at maging sa Maynila ay hindi naman niya naranasang manakawa.

Bagama't may naiisip na maaring gumawa nito, hindi pa rin daw siya sigurado rito kaya naman sa ngayon, ipinagpapasa-Diyos niya ang lahat.

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates.

Read also

Cristy Fermin sa nababalitang bagong BF ni KC: "Ito pala ay manager ng isang malaking kompanya"

Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

Nagbigyan muli ng pagkakataong makabalik sa bahay ni Kuya si Brenda kung saan hinirang pa siyang 5th placer.

Ito ay matapos na magwagi ni Brenda sa isang task kung saan nakatunggali niya si Madam Inutz na siyang naging daan upang makasama siya sa big 5.

Samantala, 4th placer naman ang teen housemate na si Rob Blackburn, 3rd placer ang beauty queen na si Samantha Bernardo. 2nd placer naman ang adult housemate na si Isabel Laohoo at ang big winner ng Kumunity Season 10 ay si Anji Salvacion ng celebrity edition.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel