Cristy Fermin sa nababalitang bagong BF ni KC: "Ito pala ay manager ng isang malaking kompanya"

Cristy Fermin sa nababalitang bagong BF ni KC: "Ito pala ay manager ng isang malaking kompanya"

- Natalakay ni Cristy Fermin sa kanilang programang Showbiz Now Na! ang tungkol sa napapabalitang boyfriend ni KC Concepcion

- Napag-alaman nila umano na manager ito ng isang malaking kompanya at maraming alam sa kanyang hanapbuhay

- Nakilala na rin daw umano ito ng pamilya ni KC lalo na na ng ina na si Megastar Sharon Cuneta

- Masaya rin daw umano sina Cristy para kay KC gayong deserve nitong sumaya dahil nilarawan niya ito na isang mabait na bata

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga napag-usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! ay ang napapabalitang bagong boyfriend umano ni KC Concepcion.

Cristy Fermin sa nababalitang bagong BF ni KC: "Ito pala ay manager ng isang malaking kompanya"
KC Concepcion (@kristinaconcepcion)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na masaya umano ang puso ng panganay na anak ni Megastar Sharon Cuneta dahil sa bago nitong pag-ibig.

Read also

Dina Bonnevie, nilinaw na okay sila ni Alex Gonzaga at wala siyang galit

"Ito pala ay manager ng isang malaking kompanya at napakarami pala niyang alam sa kanyang hanapbuhay," ani Cristy.

Ang hindi pa nila tiyak ay kung saan nakilala ni KC ang nagpaptibok ngayon ng kanyang puso.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"May nagkikwento na kaklase raw niya ito sa International School. Meron namang nagsasabi na nakilala lang niya sa Switzerland. Meron namang nagsabi na nakasabay lang sa eroplano," pahayag ni Cristy.

Ayon pa kay Romel na sinang-ayunan ni Cristy, nakilala ito ni KC sa kasal ng kanyang kapatid sa ama na si Chloe.

Isa umano itong Swiss- Filipino at naipakilala na rin ni KC sa kanyang pamilya lalo na sa inang si Sharon.

"Pagka ganoon na inilapit na at ipinakilala, ibig sabihin seryoso na ito."

Isa rin umano si Cristy sa mga natuwa para kay KC dahil deserve daw umano nito ang maging masaya.

Read also

Dina Bonnevie, isiniwalat na noo'y nagalit umano si Alex Gonzaga kay Nadine Lustre

"At Hangad natin ang kaligayahan ni KC Concepcion kasi unang-una, mabait ang batang ito."

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan:

Patuloy na namamayagpag ang kilala at batikang Showbiz writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene sa loob at labas ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang halos 300,000 subscribers.

Sa pinakahuling episode ng Showbiz Now Na! sa taong 2023, naibahagi ni Cristy na nagkaayos na umano ang mag-inang sina Nora Aunor at Matet De Leon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel