Zeinab Harake, sa umano'y dahilan ng hiwalayan nila ni Skusta Clee; "Cheating po talaga"

Zeinab Harake, sa umano'y dahilan ng hiwalayan nila ni Skusta Clee; "Cheating po talaga"

- Isa sa mga naitanong ni 'King of Talk' Boy Abunda kay Zeinab Harake ay ang dahilan ng tuluyang pagkikipaghiwalay nito kay Skusta Clee

- Ayon kay Zeinab, 'Cheating' umano ang dahilan kung bakit hindi na niya kinaya ang kanilang sitwasyon

- Aniya makailang beses pa niya itong tiniis hanggang sa dumating ang araw na naisip na niyang tapusin ang lahat

- Inamin din daw ito ni Skusta sa kanyang mga magulang at sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napag-usapan nina Zeinab Harake at 'King of Talk' Boy Abunda ang dahilan ng pagtatapos muli ng relasyon ni Zeinab kay Daryl Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee.

Zeinab Harake, sa umano'y dahilan ng hiwalayan nila ni Skusta Clee; "Cheating po talaga"
Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na diretsahang sinagot ni Zeinab na pawang 'cheating' ang dahilan ng paghihiwalay nila ng ama ng kanyang anak na si Bia.

Read also

Ogie D, nabanggit kay Xander Ford ang 'attitude' nito noon na siya mismo ang nakasaksi

"Cheating po talaga, confirmed 'yun. Like inamin niya sa harap ng magulang ko. sa harap ko," emosyonal na binalikan ni Zeinab.

Nilinaw din niya kay Boy Abunda na matapos pa ang insidenteng pagkaiwan ng laptop ni Daryl at nakita niya ang ilang pruweba ng umano'y panloloko, hindi niya agad ito hiniwalayan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Maraming beses po e. As in sobrang dami... Nagtiis pa ako 'nun. May one day na parang ayaw ko na, hindi ko na kaya... hindi ko na talaga kayang magtiis."

Hinangaan naman siya ni Boy Abunda nang aminin niyang tila hindi pa siya okay at nilarawan niya ang sarili bilang "nawawala pa."

Gayunpaman, malaking bagay umano na mayroon siyang mga anak na siyang pinaghuhugutan niya ng lakas sa mga nangyayari at mangyayari pa lamang sa kanyang buhay.

"Totoo 'yung kasabihan na kapag pagod na pagod ka na, iyak ka na ng iyak pero 'pag tiningnan mo yung mga baby mo parang, kaya ko... kaya ko!"

Read also

Xander Ford, nais na personal mag-sorry kay Kathryn: "Content lang po, bayad ako"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa The BoyAbunda Talk channel:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.2 million subscribers sa kanyang channel.

Kamakailan naging kontrobersyal si Zeinab matapos na umano'y isiwalat ni Wilbert Tolentino ang ilan sa mga screenshots ng kanilang naging pag-uusap tungkol umano sa mga kapwa nila vloggers.

Agad na naglabas ng pahayag si Zeinab ukol dito at nag-sorry sa mga pangalang nadawit umano sa kontrobersiya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel