Zeinab Harake sa buhay bago siya naging milyonarya; "Diyos ko po! kung alam niyo lang"

Zeinab Harake sa buhay bago siya naging milyonarya; "Diyos ko po! kung alam niyo lang"

- Inalala ni Zeinab Harake ang buhay niya bago pa siya maging isang milyonarya

- Aniya, sanay siya sa hirap kaya naman thankful siya sa mga biyayang natatanggap na kanya rin namang ibinabahagi

- Masasabi niyang sobra-sobra kasi ang kanyang tinatamasa ngayon kumpara noong panahong wala silang makain na magkakapatid

- Kung hindi pa raw magbibigay ng pagkain ang kanila noong kapitbahay ay gutom talaga ang aabutin nila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hinangaan ng marami si Zeinab Harake nang maikwento nito ang kanyang buhay bago maging isang matagumpay na content creator na kumikita na ng milyon.

Zeinab Harake sa buhay bago siya naging milyonarya; "Diyos ko po! kung alam niyo lang"
Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na naikwento ni Zeinab sa isang presscon ang hirap na dinanas nila noon.

"Thankful ako, kasi Diyos ko po! Kung alam niyo lang. Dati po dumadating yung ilang araw na wala kaming makain. Kung hindi pa po magbibigay ng kapitbahay namin ng ulam, wala po kaming kakainin maghapon magkakapatid. Totoo po 'yun," ani Zeinab.

Read also

MG, gustong paalisin si Paye Galang: "Patalsikin si Paye sa Toro fam house"

Tila malayo na ito sa buhay niya ngayon na siya na mismo ang nakakapag-provide sa kanyang pamilya lalong-lalo na sa kanyang mga anak.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Pero ngayon, nakakapag-provide na ako ng kung anong gustong kainin ng mga anak ko, mga kapatid ko. Lalo na ako, team ko."

Dahil dito, hindi niya nakakalimutan ang mga taong higit na nangangailangan sa lansangan bilang pagbabahagi rin ng kanyang mga natatanggao na biyaya.

"At number one po 'don is yung mga taong nakikita ko lalo na yung nasa kalye. 'Yung kahit walang camera. As long as nakita mo, kaya mong tulungan. Tulungan mo. tumulong ka, nakakapag-provide ka kahit kanino, sa mga charity. Sa mga contents ko sa pagtulong sa mga nasalanta, nasunugan. Masayang-masaya ako na ginagawa yun e"

Kaya kahit milyon na ang kinikita, aminado siyang hindi lamang sa kanya lahat ito napupunta, ang mahalaga raw umano, mayroon din ang lahat ng mga taong nasa paligid niya.

Read also

Luis Manzano, todo puri si Herlene Budol; "Napaka-professional ng taong 'to"

"Ako po talaga, hindi po ako madamot na tao, madami pong tao sa bahay. Ilan tayo, 15. Ganun po karami yung taong tinutulungan ko, umaasa sa'kin pero masaya. So lahat po ng natatanggap kong blessing, hindi ko po sinasabi na super duper yaman ko. Kasi parang umiikot lang din po. As long as nakakapag-provide ako sa kanila."
" So lahat po ng kinikita ko, kadalasan po hindi naman sa akin napupunta lahat. Hinahati-hati ko po para lahat po meron. Kaya hindi po ako takot mawalan. Gaya po ng sabi ko, sanay ako sa hirap."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa video na ibinahagi ng News5:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.1 million subscribers sa kanyang channel.

Kamakailan naging kontrobersyal si Zeinab matapos na umano'y isiwalat ni Wilbert Tolentino ang ilan sa mga screenshots ng kanilang naging pag-uusap tungkol umano sa mga kapwa nila vloggers.

Read also

Zeinab Harake kay Wilbert Tolentino: "Hindi ka naging user"

Agad na naglabas ng pahayag si Zeinab ukol dito at nag-sorry sa mga pangalang nadawit umano sa kontrobersiya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica