Zeinab, pinabulaanang kalahating milyong piso ang bigay ni Wilbert para sa kanyang YT intro

Zeinab, pinabulaanang kalahating milyong piso ang bigay ni Wilbert para sa kanyang YT intro

- Pinabulaanan ni Zeinab Harake ang Php500,000 na bigay umano sa kanya ni Wilbert Tolentino para sa bagong intro ng kanyang YouTube channel

- Aniya, Php300,000 lang ang bigay sa kanya ni Wilbert na wala pa umano sa kalahati ng kabuuan ng kanyang nagastos

- Php1.1 million ang kabuuang halaga ng kanya umanong nagastos sa naturang shoot

- Inamin naman ni Zeinab na hindi umano niya nagustuhan ang nalamang nasabi pa sa iba ni Wilbert na may binigay siyang pera para sa shoot ni Zeinab

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ilang minuto mula nang ilabas ni Wilbert Tolentino ang video sa kanyang YouTube channel na may pamagat na "Ang Rebelasyon", agad na naglabas ng pahayag si Zeinab Harake na pawang pinatutungkulan ng video.

Zeinab, pinabulaanang kalahating milyong piso ang bigay ni Wilbert para sa kanyang YT intro
Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa sa mga nilinaw ni Zeinab ay ang kalahating milyong piso na sinasabi ni Wilbert na binigay at ginastos niya para sa intro ng YouTube channel ni Zeinab.

Read also

Cristy Fermin kay Bea Alonzo; "Magandang ehemplo ng mga kapwa niya artista"

"Ang nagastos ko po sa intro na 'yun ay Php1.1 million...Php300K lang kanya, asan 'yung 800k na pera na galing sa bulsa ko, para sa intro ko...Malaki ba 'yung Php300k sa 800K? 'Wag mong sabihin na galing sa'yo yun Ma" ani Zeinab.

Pinasalamatan pa ni Zeinab si si Wilbert at inalok pa niya na isauli ang nasabing halaga.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Kung gusto niyo, ibalik ko 'yung Php300K ngayon, ibibigay ko walang problema, 'wag niyo lang akong ganyanin. Hindi totoo 'yung mga pinagsasabi mo sinungaling ka," bulalas ni Zeinab.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa kanyang Facebook live na ibinahagi rin ng Create Food Ph YouTube channel:

Oktubre 23 ng gabi nang gumulantang sa publiko ang mabilis na nag-viral na video ni Wilbert Tolentino na may pamagat na "Ang rebelasyon."

Read also

Madam Inutz, makulit na video ang umano'y reaksyon sa 'rebelasyon' ni Wilbert Tolentino

Ito umano ay may kaugnayan sa ingay nila ngayon sa social media ng kanyang kapwa vlogger na si Zeinab Harake.

Maanghang ang mga naging paratang umano ni Wilbert kay Zeinab gayung suportado raw ang kanyang mga sinabi ng mga screenshots na nagpapatunay na totoo ang kanyang mga sinasabi.

Agad namang naglabas ng reaksyon si Zeinab sa naturang video at pinabulaanan ang mga sinabi ng tinatawag niyang 'Ma' na si Wilbert.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel