Wilbert, kalahating milyon umano ang na-sponsor sa intro ng YT channel ni Zeinab

Wilbert, kalahating milyon umano ang na-sponsor sa intro ng YT channel ni Zeinab

- Isa sa mga rebelasyon umano ni Wilbert Tolentino patungkol kay Zeinab Harake ay ang tungkol sa intro ng YouTube channel nito

- Ayon kay Wilbert, siya umano ang gumastos para sa naturang shoot na ginanap noong nakaraang taon

- Subalit tila hindi nagustuhan ni Zeinab na nababanggit ito ni Wilbert sa iba

- Gumagawa ngayon ng ingay sa social media ang dalawa dahil sa umano'y post ni Zeinab na sinasabi ng marami na tungkol 'di umano kay Wilbert

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga naisiwalat ni Wilbert Tolentino sa kanyang bagong video na may pamagat na "Ang rebelasyon" ay ang tungkol sa intro ni Zeinab Harake sa kanyang YouTube channel.

Wilbert Tolentino, sinabing siya ang gumastos sa shoot ng intro ng YT channel ni Zeinab
Photo: Wilbert Tolentino VLOGS
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na nasabi ni Wilbert na siya ang gumastos sa shoot ng naturang intro ni Zeinab, halos isang taon na ang nakalilipas.

Read also

Wilbert Tolentino, sinabing threatened umano si Zeinab kina Madam Inutz at Herlene

"Marami rin ang hindi nakakaalam na ako ang nag-sponsor sa intro niya. Kung napanood niyo po 'yang intro, ayan... ilang segundo, Ako po ang gumastos lahat ng buong intro na yan. So hindi naman niya sinabi sa akin na 'wag sabihin sa iba," pahayag ni Wilbert.

Kwento pa ni Wilbert, nasa shoot naman siya ng 'Sangkap ng Pasko' ng kanyang alagang si Madam Inutz. Nagkaroon umano ang talagang direktor ng music video na ito kaya naman nagpahanap siya ng ibang maaring maging direktor dahil papasok na sa PBB si Madam Inutz.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nagkataong ang direktor na nairekomenda kay Wilbert ay ang direktor ng naturang intro ni Zeinab.

Nang dumating daw ito, nabanggit ng direktor na galing siya sa shoot ng naturang intro ni Zeinab.

"Ah alam ko 'yan. Ha? Pa'no mo nalaman? Sabi ni direk. Bawal pa ipaalam itong paggawa ng intro. So ako, hindi naman dahil sa pagyayabang ko sabi ko hindi, kasi direk ako ang nagsponsor. 'Yun yung nasabi ko na ako 'yung nag-sponsor. at more than half a million ang ginastos ko... Coming from my pocket, wala akong hinihinging kapalit," kwento ni Wilbert.

Read also

Toni Fowler, umalma sa tsismis na tinawag ni Zeinab Harake na "trash" ang ToRo fam

Tila hindi raw ito nagustuhan ni Zeinab at natanong kung bakit pa nasabi ni Wilbert na siya ang gumastos sa intro niya.

Ipinakita ni Wilbert ang screenshot ng paglalabas na ito ng saloobin ni Zeinab at ito rin umano ang nag-sorry sa kanya pagkatapos.

"Isipin niyo gaano kabilis ang pitik niya kapag meron siyang topak," ani Wilbert.

"Sana hindi ka nalang nagpa-sponsor kung may tinatago ka pala at gusto mo 'yung pride mo mataas," dagdag pa nito.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Wilbert Tolentino ay isang kilalang negosyante sa Pilipinas. Makikita ang kanyang pagiging pilantropo sa ilan sa kanyang mga vlogs na mapapanood sa kanyang YouTube channel. Hindi lamang puro entertainment ang hatid ng kanyang mga video kundi ang inspirasyon na makatulong sa kapwa.

Talent manager din siya ng ilang mga kilalang vloggers sa bansa at isa sa kanyang mga alaga ay ang nag-viral na online seller at naging Celebrity housemate ng Pinoy Big Brother Season 10 na si Madam Inutz.

Read also

Zeinab Harake, sinabing cropped ang mga screenshot ni Wilbert Tolentino

Gayundin si Binibining Pilipinas 2022 first runner-up Herlene Nicole Budol na ngayo'y abala na sa paghahanda para sa Miss Planet International 2022 na gaganapin sa Uganda.

Samantala, sa mga oras na sinusulat ang artikulong ito ay naglabas na rin ng saloobin si Zeinab Harake ukol sa isyu sa pamamagitan ng Facebook live.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel