Wilbert Tolentino, kinuwestyon umano ang pagiging 'good influencer' ni Zeinab
- Naglabas na ng saloobin si Wilbert Tolentino kaugnay ng umano'y post ni Zeinab Harake
- Wala raw man kasing pangalan na binabanggit subalit maraming netizens ang nag-tag sa kanya at hindi naman umano ito pinabulaanan ni Zeinab
- Tila naglabas ng mga resibo si Wilbert ng kanilang naging mga usapan ni Zeinab dahilan para i-kuwestiyon niya ang pagiging mabuting influencer nito
- Tahasan ding nasabi ni Wilbert ang umano'y pagtanggi ni Zeinab na maka-collab sa takot na maagawan siya raw siya ng mga subscribers
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Isang seryosong Wilbert Tolentino ang humarap sa publiko sa vlog niyang may pamagat na 'Ang Rebelasyon' na kanyang isina-ere ngayong Oktubre 23.
Nalaman ng KAMI sa kauna-unahang pagkakataon, diretsahang naglabas ng saloobin si Wilbert patungkol sa umano'y naging post ni Zeinab Harake na tila siya ang pinatutungkulan.
Ipinaliwanag ni Wilbert kung sino nga ba talaga ang nagpasok sa kanya sa mundo ng pagiging content creator.
Hindi man daw ito si Zeinab, ngunit aminadong malaki ang naging impluwensiya nito sa kanya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Subalit paglilinaw ni Wilbert, si Zeinab pa raw umano ang humihingi sa kanya ng content.
"Si Zeinab ang nanghihingi sa akin ng content. Siya ang may kailangan sa akin. Sasabihin niya sa akin na ia-upload niya sa YouTube channel niya para makilala ako ng mga team Zebbies. Pero after few weeks, i-take down niya. 'yun ang masaklap," bungad ni Wilbert.
Nabanggit din nito ang hindi niya basta pakikipag-collab sa mga vloggers kung wala naman daw itong mapapala sa mga iyon.
Tulad na lamang ni Sachzna Laparan na umano'y tinanggihan ni Zienab ang pakikipag-collab.
"Ano mapapala ko, makukuhanan lang ako ng subscribers? Bakit ako makikipag-collab doon? Mag-isip ka nga ma. wala naman ako makukuha sa kanya," ayon daw kay Zeinab.
Dahil dito, tila kinuwestyon ni Wilbert ang imahe ni Zeinab na pagiging isang goood influencer.
"'Yun ba sa tingin niyo, good influencer yun?" ani Wilbert.
Marami rin daw si Zeinab na hinarang na maka-collab ni Wilbert tulad nina Makagago Makagwapo, Toni fowler at Toro family gayundin si Whamoz.
"Lahat ng nabanggit ko, sinabi niya ay trash. Just imagine mo, trash! Once na makipag-collab daw ako, tatablahin daw ako ng lahat," matapang na pahayag ni Wilbert.
"Lahat yan inintindi ko sayo Zeb. Ang taas at nilu-look up kita. Hindi ko alam bakit umabot pa tayo ng ganun" dagdag pa niya.
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula mismo sa kanyang YouTube channel na Wilbert Tolentino VLOGS:
Si Wilbert Tolentino ay isang kilalang negosyante sa Pilipinas. Makikita ang kanyang pagiging pilantropo sa ilan sa kanyang mga vlogs na mapapanood sa kanyang YouTube channel. Hindi lamang puro entertainment ang hatid ng kanyang mga video kundi ang inspirasyon na makatulong sa kapwa.
Talent manager din siya ng ilang mga kilalang vloggers sa bansa at isa sa kanyang mga alaga ay ang nag-viral na online seller at naging Celebrity housemate ng Pinoy Big Brother Season 10 na si Madam Inutz.
Gayundin si Binibining Pilipinas 2022 first runner-up Herlene Nicole Budol na ngayo'y abala na sa paghahanda para sa Miss Planet International 2022 na gaganapin sa Uganda.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh