Wilbert Tolentino, ipinakita ang umano'y mga komento ni Zeinab kina Ivana at Jelai

Wilbert Tolentino, ipinakita ang umano'y mga komento ni Zeinab kina Ivana at Jelai

- Matapang na ibinahagi ni Wilbert Tolentino ang umano'y mga komento ni Zeinab Harake sa mga itinuring na kaibigang sina Ivana Alawi at Jelai Andres

- Maging ang best friend ni Zeinab na si Donnalyn ay nasasabihan din daw nito ng hindi maganda ayon kay Wilbert

- Ang lahat ng ito ay bahagi ng vlog ni Wilbert na may pamagat na 'Ang Rebelasyon'

- Dito ibinunyag umano ni Wilbert ang mga pananaw ni Zeinab pagdating sa pakikipag-collab sa ibang mga content creator

- Ito rin umano ang sagot ni Wilbert sa post kamakailan ni Zeinab patungkol sa 'nanggamit' daw sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Buong tapang na ibinahagi ni Wilbert Tolentino ang mga screenshot ng umano'y komento ni Zeinab Harake sa kanyang mga itinuturing na kaibigan na sina Ivana ALawi at Jelai Andres.

Read also

Sachzna Laparan, aminadong nasasaktan sa mga lumabas na isyu

Wilbert Tolentino, ipinakita ang umano'y mga komento ni Zeinab kina Ivana at Jelai
Wilbert Tolentino (Wilbert Tolentino VLOGS)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na bahagi lamang ito ng vlog ni Wilbert na may pamagat na 'Ang Rebelasyon' kung saan niya ibinulalas ang saloobin patungkol sa post ni Zeinab sa taong 'nagamit' lamang umano siya.

Ayon kay Wilbert, makailang beses na siyang napigilan ni Zeinab na makipag-collab sa ibang mga content creator. Madalas kasi niyang maisangguni muna kay Zeinab ang mga nais niyang makasama at doon nagbabahgi ito ng kanyang opinsyon sa ibang mga kapwa niya vlogger.

"Nakita niya kung gaano siya ka-demand sa akin lahat sinusunod ko. Pero there are some vloggers nakipag-collab ako, nakita ko naman na hindi naman pala totoo yung chika niya sa akin dahil nakikita ko yung paninira," ani Wilbert.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dito ipinakita niya ang screenshot ng umano'y nasabi ni Zeinab kay Ivana Alawi gayundin sa isa pa niyang kaibigan na si Jelai Andres.

Read also

Wilbert, kalahating milyon umano ang na-sponsor sa intro ng YT channel ni Zeinab

At maging ang itinuturing umano nitong best friend na si Donnalyn ay nagawa rin umanong masabihan ng di maganda ni Zeinab.

"Si Ms. D, best friend niya. Pero nagto-talk sh*t siya sa best friend niya. Ganyan ba ang kaibigan?"

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Wilbert mula mismo sa kanyang YouTube channel na Wilbert Tolentino VLOGS:

Si Wilbert Tolentino ay isang kilalang negosyante sa Pilipinas. Makikita ang kanyang pagiging pilantropo sa ilan sa kanyang mga vlogs na mapapanood sa kanyang YouTube channel. Hindi lamang puro entertainment ang hatid ng kanyang mga video kundi ang inspirasyon na makatulong sa kapwa.

Talent manager din siya ng ilang mga kilalang vloggers sa bansa at isa sa kanyang mga alaga ay ang nag-viral na online seller at naging Celebrity housemate ng Pinoy Big Brother Season 10 na si Madam Inutz.

Gayundin si Binibining Pilipinas 2022 first runner-up Herlene Nicole Budol na ngayo'y abala na sa paghahanda para sa Miss Planet International 2022 na gaganapin sa Uganda.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel