Wilbert Tolentino, naghahanap ng interpreter para kay Herlene; "Maganda ang compensation"

Wilbert Tolentino, naghahanap ng interpreter para kay Herlene; "Maganda ang compensation"

- Naghahanap umano ng interpreter si Wilbert Tolentino para kay Herlene Budol

- Ito ay isasama nila sa Uganda kung saan nito kakatawanin ang bansa para sa Miss Planet International 2022

- Sinabing wikang Tagalog pa rin umano ang gagamitin ni Herlene upang mas maibahagi nito ng maayos ang kanyang kagsagutan lalong lalo na sa bahaging 'Question and Answer'

- Aniya, maganda ang compensation na naghihintay para sa maisasamang interpreter.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inanunsyo ni Wilbert Tolentino na naghahanap sila ng interpreter na isasama sa Uganda sa pag-compete ni Herlene Budol sa Miss Planet International sa Nobyembre.

Wilbert Tolentino, naghahanap ng interpreter para kay Herlene; "Maganda ang compensation"
Wilbert Tolentino kasama si Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na sa send-off ng Jag at Binibining Pilipinas para kay Herlene nabanggit ni Wilbert ang paghahanap nila ng interpreter.

"Gusto ko pong manawagan, nangangailangan pa rin po kami ng interpreter for daily activities ni Herlene. Baka merong gustong mag-apply since marami namang media rito. Gusto ko lang i-share na sa coronation night, ang speech coach niya nang lumaban siya sa Binibining Pilipinas ay si Ryan Soto. Siya rin po sa coronation night ang magiging interpreter po," ani Wilbert.

Read also

Anak ni Karen delos Reyes, marunong na sa basic Algebra sa edad na 4 taon

"However, I badly need po ng for daily activities na pwedeng samahan siya," dagdag pa ni Wilbert.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Good compensation din ang maibibigay niya sa mahahanap na interpreter at sagot niya ang lahat ng gagastusin nito sa kanilang trip sa Uganda.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Wilbert mula sa kanyang YouTube channel na Wilbert Tolentino VLOGS:

Si Herlene Nicole Budol aka "Hipon" ay isang komedyante, aktres at nagsimula bilang TV host sa programang "Wowowin".

Nakilala si Hipon nang sumali siya sa "Willie of Fortune". Bagaman at hindi siya nanalo, hinahanap siya ng mga tagasubaybay ng programa kaya naman pinabalik siya ni Willie Revillame para maging isa sa kanyang mga co-host.

Aminado si Herlene na nabago ang kanyang buhay nang maging manager niya si Wilbert Tolentino.

Read also

Herlene Budol, handang-handa na para sa Miss Planet International

Malaki ang naitulong nito sa paghahanda ni Herlene sa pagsali Binibining Pilipinas 2022 at ngayon, para naman sa Miss Planet International na gaganapin sa Uganda.

Hindi naman sila nabigo at nagbunga ang kanilang mga pagsasakripisyo nang mahakot ni Herlene ang karamihan ng special awards at ang pagiging 1st runner-up.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel