Herlene Budol, handang-handa na para sa Miss Planet International

Herlene Budol, handang-handa na para sa Miss Planet International

- Handang-handa na umano si Herlene Nicole Budol para sa sasalihang Miss Planet International

- Siya ay pinahintulutan ng pamunuan ng Binibining Pilipinas na kumatawan sa bansa para sa nasabing pageant na gaganapin sa Uganda

- Sa kanyang send-off , makikita ang todo-todong suporta sa kanya ng Jag at Binibining Pilipinas

- Naroon din ang ibang mga sumusuporta kay Herlene lalong-lalo na ang kanyang manager na si Wibert Tolentino

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tila handang-handa na ang Binibining Pilipinas 2022 First runner-up na si Herlene Nicole Budol para sa Miss Planet International na gaganapin sa Uganda sa Nobyembre.

Herlene Budol, handang-handa na para sa Miss Planet International
Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na nagsagawa na ng send-off para sa kanya sa pangunguna ng Jag Philippines at ng Binibining Pilipinas.

Sa naturang send-off, makikita ang mga taong nasa likod ni Herlene sa kanyang unang International pageant na sasalihan.

Read also

Candy Pangilinan, pinakita ang video ng 19th birthday celebration ni Quentin

"Maraming maraming salamat sa lahat ng nagpunta. Happy ako kasi hindi pala matatapos dito sa Pilipinas 'yung laban natin, kundi dadalhin natin sa ibang bansa. Ah, sigurado ako na ipaglalaban ko 'yung Pilipinas. Hindi ako magpapabugbog kumbaga sa boxing. Gagawin ko yung best ko, para 'yung mga taong hindi ine-expect na lumaban at magtagumpay sa buhay," bungad ni Herlene.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Agosto ngayong taon nang i-anunsyo ng Binibining Pilipinas na si Herlene ang kakatawan sa bansa para sa Miss Planet International.

Mula noon ay mas lalong naging puspusan ang paghahanda ng team ni Herlene at isa sa agad nilang nilinaw ay ang paggamit pa rin niya ng Wikang Filipino sa bahaging Question and Answer.

Samantala, narito ang kabuuan ng mga kaganapan sa send-off kay Herlene na mula sa Wilbert Tolentino VLOGS:

Read also

RR Enriquez sa sampahan ng kaso nina Glenda at Rosmar; "Pag-usapan niyo nalang 'yan"

Si Herlene Nicole Budol aka "Hipon" ay isang komedyante, aktres at nagsimula bilang TV host sa programang "Wowowin".

Nakilala si Hipon nang sumali siya sa "Willie of Fortune". Bagaman at hindi siya nanalo, hinahanap siya ng mga tagasubaybay ng programa kaya naman pinabalik siya ni Willie Revillame para maging isa sa kanyang mga co-host.

Aminado si Herlene na nabago ang kanyang buhay nang maging manager si Wilbert Tolentino.

Malaki ang naitulong nito sa paghahanda ni Herlene sa pagsali Binibining Pilipinas 2022.

Hindi naman sila nabigo at nagbunga ang kanilang mga pagsasakripisyo nang mahakot ni Herlene ang karamihan ng special awards at ang pagiging 1st runner-up.

Samantala, sa pinakabagong interview sa kanya ni Karen Davila, ipinasilip din ni "Hipon Girl" ang loob ng bago niyang tahanan dito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel