Zeinab Harake, umalma sa mga patutsada ni Wilbert Tolentino

Zeinab Harake, umalma sa mga patutsada ni Wilbert Tolentino

- Sa live video ni Zeinab Harake, naglabas siya ng sama ng loob kaugnay sa nilabas ni Wilbert Tolentino

- Nilinaw niyang hindi niya ginamit si Wilbert Tolentino at ang pera nito at kung ano ang natanggap niya mula dito ay pinagtrabahuhan niya ito

- Iginiit niyang naniniwala umano siyang mula kay Wilbert ang lumabas na blind item tungkol sa kanila ni Skusta Clee

- Inisa-isa niya ding nilinaw ang tungkol sa mga nilabas na screenshot ni Wilbert

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umalma si Zeinab Harake sa mga nilabas ni Wilbert Tolentino sa kanyang YouTube video. Sa kanyang live video, naging emosyonal si Zeinab nang sagutin ang mga akusasyon ni Wilbert.

Zeinab Harake, inulan ng suporta matapos ang paglabas ng video ni Wilbert Tolentin
Zeinab Harake, inulan ng suporta matapos ang paglabas ng video ni Wilbert Tolentino (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Kinontra ni Zeinab ang naging rebelasyon ni Wilbert. Kabilang na dito ang mga screenshots na nilabas ni Wilbert na umano'y sinabi ni Zeinab laban sa ibang mga vloggers.

Read also

Madam Inutz, makulit na video ang umano'y reaksyon sa 'rebelasyon' ni Wilbert Tolentino

Iginiit din ni Zeinab na noong lumabas ang blind item sa isang radio station ay si Wilbert lamang ang kanyang napagsabihan kaya naniniwala siyang si Wilbert ang naglabas.

Ikinasama din ng loob niya na pinahanap ni Wilbert ang third party sa relasyon nila ni Skusta Clee dahil lang hindi umano niya napagbigyan ang hiling nito sa kanya na i-TikTok niya ang kanta ni Madam Inutz.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Zeinab Harake ay isang kilalang social media influencer at sikat na YouTube content creator na mayroong milyon-milyong subscribers. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Marami sa mga netizens ang bumati kay Zeinab noong Father's Day at binahagi niya ito sa kanyang IG stories. Marami sa mga ito ang pagbati sa kanyang pagtayo bilang ama sa anak niyang sina Lucas at Zebbiana. Matatandaang simula nang isapubliko ni Zeinab ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee ay bumuhos ang suporta sa kanya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging mula sa mga kapwa niya social media influencer at content creator. Kasalukuyang nasa pangangalaga niya ang anak na si Bia at ang adopted son na si Lucas.

Nitong Father's Day ay sinabi ni Zeinab na saludo siya sa mga kapwa niya nanay na aniya ay nagpapaka-tatay sa kanilang mga anak. Kaya naman, isang pagbati ang binahagi ni Zeinab sa mga kagaya niyang single mom sa pamamagitan ng isang tweet. Bumuhos naman ang pagbati sa kanya mula sa kanyang mga followers na sumuporta sa kanya lalo na nang isapubliko niya ang paghihiwalay nila ni Skusta Clee.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel