Luis Manzano, todo puri si Herlene Budol; "Napaka-professional ng taong 'to"

Luis Manzano, todo puri si Herlene Budol; "Napaka-professional ng taong 'to"

- Todo puri ni Luis Manzano si Herlene Budol na nakapanayam niya kamakailan

- Bukod sa kahanga-hangang kwento nito sa pag-abot ng kanyang mga pangarap, napaka-propesyunal daw nitong tao

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Maging noong nasa Wowowin pa lamang daw ito bilang contestant, kahanga-hanga na ang pagiging totoo nito

- Abala ngayon si Herlene sa nalalapit niyang pag-alis patungong Uganda para sa Miss Planet International

Isang masaya at makulit na interview ang naganap sa 'Lucky TV' ang YouTube channel ni Luis Manzano nang makapanayam niya si Binibining Pilipinas first runner-up Herlene Nicol Budol.

Luis Manzano, todo puri si Herlene Budol; "Napaka-professional ng taong 'to"
Herlene Nicole "Hipon Girl" Budol (@herlene_budol)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nalaman ng KAMI na labis na naaliw si Luis sa mga isinagot sa kanya ni 'Hipon Girl.'

Read also

Wilbert Tolentino, sinabing threatened umano si Zeinab kina Madam Inutz at Herlene

"Alam niyo kung bakit napakasarap kausap ni Herlene bukod sa personality niya? Kasi napanood kita sa Wowowin pa lang e, kay Tito Wils pa lang. At from that day na napanood kita hanggang sa ngayon na nag-uusap tayo ang nakikita ko, isang binibining nangarap, Pinagtrabahuhan niya ang lahat. Ginawa ang lahat para maabot 'yan and still kahit sa dinami-rami ng na-achieve mo na, nag-beauty queen ka, may sariling bahay, may ipon na nangangarap ka pa rin," ani Luis.

Aniya, napakatotoo nito sa kanyang sarili at patunay lamang na si Herlene na ang taong dati lamang nangangarap ay maari talaga itong makuha dala ng sipag, determinasyon at tamang pag-uugali.

"Siya ang patunay na ang sarap mangarap... Ang sarap magtrabaho para sa pangarap. Kaya napaka-refreshing mong kausap Herlene," pahayag ni Luis.

Bukod sa kahanga-hanga nitong pinagdaanan sa buhay, hanga rin umano si Luis sa pagiging propesyunal na tao ni Herlene. Narito ang kabuuan ng kanilang masayang usapan:

Read also

Wilbert Tolentino, nag-sorry kay Herlene Budol: "Alam ko maiiyak ka"

Si Herlene Nicole Budol aka "Hipon" ay isang komedyante, aktres at nagsimula bilang TV host sa programang "Wowowin".

Nakilala si Hipon nang sumali siya sa "Willie of Fortune". Bagaman at hindi siya nanalo, hinahanap siya ng mga tagasubaybay ng programa kaya naman pinabalik siya ni Willie Revillame para maging isa sa kanyang mga co-host.

Aminado si Herlene na nabago ang kanyang buhay nang maging manager si Wilbert Tolentino.

Malaki ang naitulong nito sa kanya sa pagsali Binibining Pilipinas 2022.

Hindi naman sila nabigo at nagbunga ang kanilang mga pagsasakripisyo nang mahakot ni Herlene ang karamihan ng special awards at ang pagiging 1st runner-up.

Samantala, sa pinakabagong interview sa kanya ni Karen Davila, ipinasilip din ni "Hipon Girl" ang loob ng bago niyang tahanan dito.

Sa ngayon, abala si Herlene sa paghahanda sa kauna-unahan niyang international pageant na sasalihan, ang Miss Planet International na gaganapin sa Uganda sa Nobyembre ngayong taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel