Cristy sa mga nagsasabing 'pambansang paawa' si Andrew Schimmer; "Nakakalungkot"

Cristy sa mga nagsasabing 'pambansang paawa' si Andrew Schimmer; "Nakakalungkot"

- Naglabas ng pahayag sina Cristy Fermin, Morly Alinio at Romel Chika ng Showbiz Now Na! ukol sa palagiang post ni Andrew Schimmer sa kanyang asawa

- Marami na umanong nakakausap si Cristy na tila kinikwestyon ang palagiang post ni Andrew Schimmer sa kanyang misis

- Tila nadadalas na raw ang pagpapaawa ni Andrew sa publiko sa halos araw-araw na nitong pag-post ng lagay ng kanyang asawa

- Matatandaang, ibinalik muli sa ospital si Jho Rovero, ang misis ni Andrew Schimmer dahil sa pagtaas ng sodium nito at iba pang komplikasyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga tinalakay ni Cristy Fermin sa kanilang YouTube channel na Showbiz Now Na! ay ang madalas na pagpo-post ni Andrew Schimmer ukol sa lagay ng kanyang misis na si Jho Rovero.

Cristy sa mga kumukwestyon sa umano'y 'paawa post' ni Andrew Schimmer; "Nakakalungkot"
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na marami na raw umanong kumikwestyon kay Andrew bakit tila nadadalas ang pag-post nito sa nangyayari sa kanyang asawa at naisipan pa umano nilang ilagay ito sa kanilang YouTube channel na 'The Schimmers.'

Read also

RR sa naging isyu ni Robi Domingo; "He handled it in a classy way"

Ayon pa kina Cristy, Morly Alinio at Romel Chika tila idinedepende na umano ni Andrew sa publiko ang gastusin ng asawa sa pamamagitan ng pagpapaawa nito.

"Andami-dami kong nakakausap mga ka-chika, mga kaibigan, mga propesyunal, mga doktor pa nga ang iba at abogado. Ang tanong nila, yung isa pangalawa na pagpapa-interview maiintindihan po yun. Pero yung i-vlog mo yung araw-araw na nagaganap sa inyong personal na buhay yun na po ang kwestyonable na talaga sa marami nating mga kababayan," ani Cristy.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"At ang kanilang tanong, parang masyado na raw idinedepende ni Andrew ang mga gastusin ng kanyang asawa sa pagpapaawa," dagdag pa niya.

Binigyang diin naman ni Romel na ang pahayag na ito ay hindi umano personal na nanggaling sa kanila kundi sa mga taong kanilang nakakausap.

Read also

Sasawera Queen RR, 'di sang-ayon sa pag-share ni Wilbert ng private messages nila ni Zeinab

"Andun naman yung kanyang panghihingi ng panalangin sa ating mga kababayan. Pero alam mo yung pagsasabi niyan, hindi niyang matatakpan yung tunay na dahilan kung bakit ipinakikita mo ang mga nagaganap sa asawa mo na dapat ay kayo nalang ang nakakaalam," ayon pa kay Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa bansa na gumawa ng ingay kamakailan sa social media nang lakas-loob na humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na agad namang sinundan ng brain hypoxia.

Kamakailan, ibinalik ang kanyang misis sa ospital na noon sana'y mananatili nalamang sa kanilang tahanan upang doon magpagaling. Nilagnat at nagsuka umano ito dahil sa pagtaas ng sodium level nito sa katawan.

Kinailangang i-dialysis ito dahil sa pagbaba ng kanyang sodium level, potassium ng katawan naman niya ang tumaas. Matapos ang dialysis ay bahagyang bumuti ang lagay ni Jho hanggang sa ibahagi na nga ni Andrew ang tungkol sa nakita naman nila sa MRI nito kamakailan na siyang dahilan ng pagiging comatose ni Jho sa ngayon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel