RR sa naging isyu ni Robi Domingo; "He handled it in a classy way"

RR sa naging isyu ni Robi Domingo; "He handled it in a classy way"

- Nagbigay komento si RR Enriquez sa naging reaksyon ni Robi Domingo sa pasabog ni Wilbert Tolentino

- Aniya, kahanga-hanga si Robi na gentleman pa rin sa kanyang pagtugon

- Ginawa na rin lamang niya ito sa paraan na mas lalo pang naaliw ang netizens

- Si Robi Domingo ay isa lamang sa mga personalidad na nabanggit sa kontrobersyal na rebelasyon ni Wilbert kay Zeinab

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Humanga umano si RR Enriquez sa ex-PBB housemate at ngayo'y Kapamilya host na si Robi Domingo.

RR sa naging isyu ni Robi Domingo; "He handled it in a classy way"
RR Enriquez (RR Enriquez Sawsawera Queen)
Source: Facebook

Matatandaang isa si Robi sa mga pangalang nabanggit sa kontrobersyal na 'rebelasyon' ni Wilbert Tolentino patungkol kay Zeinab Harake.

Sa screenshot na ibinahagi ni Wilbert, sinabi umano ni Zeinab na 'walang market' si Robi.

Dahil dito, una nang nag-react si Robi ng simpleng mga kataga na "Oh wow, how true?" na sinundan naman ng makulit na larawan ng isang market na umano'y nakapngalan sa kanya.

Read also

RR Enriquez kay Wilbert Tolentino; "Hindi niya alam mas lalong minahal ng tao si Zeinab"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang naaliw sa reaksyon na ito ni Robi at maging si RR ay bumilib sa kung paano dinala ni Robi ang isyu.

"Maganda yung pakikisawsaw ni Robi Domingo sa kanyang issue ah. He handled it in a classy way," ani RR.

"Kasi siyempre ayaw niya maging ungentleman," dagdag pa nito.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni RR mula sa YouTube channel niyang RR Enriquez Sawsawera Queen:

Oktubre 23 ng gabi nang gumulantang sa publiko ang mabilis na nag-viral na video ni Wilbert Tolentino sa kanyang YouTube channel na may pamagat na "Ang rebelasyon."

Ito umano ay may kaugnayan sa ingay nila ngayon sa social media ng kanyang kapwa vlogger na si Zeinab Harake.

Maanghang ang mga naging paratang umano ni Wilbert kay Zeinab gayung suportado raw ang kanyang mga sinabi ng mga screenshots na nagpapatunay na totoo ang kanyang mga sinasabi. Dahil dito, nadawit ang pangalan ng ilang mga kilalang vlogger sa bansa tulad na lamang nina Ivana Alawi, Madam Inutz, Herlene Budol at Jelai Andres.

Read also

Ogie Diaz sa naging isyu nina Wilbert at Zeinab; "Diniretso nalang sana niya si Mamshie"

Agad namang naglabas ng reaksyon si Zeinab sa naturang video at pinabulaanan ang mga sinabi ng tinatawag niyang 'Ma' na si Wilbert.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel